^

Punto Mo

Aso, iniligtas ang matandang kapitbahay na natumba sa snow

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BAYANI ang turing nga­yon sa alagang aso ng isang lalaki sa Minnesota matapos nitong sagipin ang matandang kapitbahay nila na natumba sa labas ng bahay sa gitna ng nag-yeyelong temperatura.

Nasa labas ng bahay si Tim Curfman ng Ale-xandria, Minnesota upang magtapon ng basura nang bigla na lang daw kumilos ng kakaiba ang kanyang apat na taong black labrador na si Midnight.

Nang sundan niya ang alaga ay saka niya nalaman ang dahilan ng ikinikilos nito: ang kanyang 87-anyos na kapitbahay na si Noreen na nadatnan nilang naka-handusay sa gitna ng niyebe sa labas ng kanyang bahay.

Natumba pala ang matanda nang lumabas ito upang punuin ang lalagyan ng pakain sa ibon.

Kalahating oras na sa nasabing kalagayan si No-reen, na hindi nakatayo dahil sa basa niyang guwantes at wala rin siyang sapat na lakas para itayo ang sarili.

Mabuti na lamang at natagpuan siya nina Tim at Midnight, kaya wala siyang tinamong pinsala mula sa pagkakababad sa lamig.

Kaya naman simula ngayon  ay itinuturing na raw ni Noreen bilang “personal hero” si Midnight.

vuukle comment

SNOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with