4,000 dumplings, inihanda sa Sydney noong Chinese New Year
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 7, 2019 - 12:00am

DAAN-DAANG taga-Sydney, Australia ang naghanda ng libu-libong dumplings para makapagtala ng bagong world record sa pagsalubong sa Chinese New Year.

Nasa 764 katao ang lumahok sa pinakamalaking salu-salo ng dumplings na ginanap sa Darling Harbour, Sydney noong Chinese New Year.

Mas marami ang sumali ngayon sa salu-salo kaysa sa record na naitala sa Melbourne noong 2013.

Higit 4,000 dumplings ang inihanda para sa challenge, na minonitor ng kinatawan ng Guinness World Record.

Upang mahigitan ang dating world record, kailangan ng bawat kalahok na kumain ng hindi bababa sa dalawang dumplings mula sa apat na inihain sa kanila.

Naging matagumpay ang world record attempt na bahagi ng pagdiriwang ng Sydney Lunar Festival.

CHINESE NEW YEAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with