^

Sulyap sa Microsoft founder, Bill Gates

DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - February 6, 2019 - 12:00am

(Part I)

• Isa siya sa pinakamayamang tao sa buong mundo na may net worth na $94.4 billion.

• Mula 1995 hanggang 2017, siya ang nasa Top 1 ng Forbes’ list of world’s billionaires. Naging number 2 na lang siya sa 2018 Forbes’ list dahil ang naging Top 1 ay si Jeff Bezos, ang founder ng Amazon.

• Color-blind siya. Hindi niya nakikita ang color green.

• Taon 1968, 13 years old siya noon nang mahilig siya sa computer. Ang school na pinag-aaralan niya ay isa sa mga kakaunting schools na may computer.

• Noong nasa high school, 50 books per year ang natatapos niyang basahin.

• Hindi lang siya reader, writer din siya ng dalawang libro: The Road Ahead na na-published noong 1995, co-writer niya ang Microsoft executive na si Nathan Myhrvold. Ang ikalawang libro, Business @ the Speed of Thought, ay na published naman noong 1999.

• Hindi niya natapos ang pag-aaral sa Harvard. Dalawang taon lang siyang nag-aral doon at nag-dropped out siya.

• Iisa lang ang wikang alam niya, ang English. Wala siyang oras para mag-aral pa ng ibang wika at iyon ay pinanghihinayangan niya.

• Bukod sa pagiging pilantropo, wala siyang eskandalong kinasangkutan. Kaya lang, pagdating sa pagsunod sa rules and regulations, dito siya mahina. Noong 1975, ang 22-year-old Gates ay naaresto dahil sa speeding and driving without a license. Naaresto ulit siya noong 1997, hindi huminto kahit naka-red light na at driving without a license.

• Mahilig siya sa music. Fan siya ng ilang sikat na rock bands.

• Hinahangaan at inspirasyon niya si Leonardo da Vinci. Binili niya ang isang obra ni da Vinci sa halagang $30.8 million.

• Officemate niya sa Microsoft ang kanyang napangasawang si Melinda.

• Sa kabila ng pagiging bilyonaryo, plano nilang pamanahan lang ng $10 million ang bawat isa nilang anak. Hindi raw mainam na pamanahan ang mga anak ng malaking halaga.

• Ang araw niya ay planado ng minute-by-minute schedule kagaya ng schedule ng US Presidents.

(Itutuloy)

BILL GATES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with