Pinakamataas na tore ng cupcakes sa mundo, itinayo sa isang mall sa India
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 3, 2019 - 12:00am

ISANG hugis pyramid na pinagtaksan-taksang cupcakes sa isang mall sa India ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record para sa pinakamataas na tore ng cupcakes sa mundo.

Nagsanib puwersa ang Preethi Kitchen Appliances at Food Consulate Chennai sa paggawa ng 18,818 cupcakes at sa pagpatong-patong sa mga ito upang makabuo ng isang tore na may taas na 41 talampakan at 8 pulgada

Itinayo nila ang tore sa gitna ng Forum Vijya Mall sa Chennai.

Inabot ng 30 oras ang pag-bake at pagtaksan-taksan sa mga cupcakes at ginawa itong lahat sa loob ng nasabing mall.

Isang kinatawan ng Guinness ang nagmasid habang itinatayo ang pyramid at may surveyor namang gumamit ng laser triangulation para makumpirma ang taas ng tore.

Matapos makumpirma na may bagong world record na naitala ang pyramid ay ipinamigay naman ang higit 18,000 na cupcakes sa mga charity groups sa India.

INDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with