Engineer sa India, isa-isang pinupulot ang mga pako na ikinakalat ng vulcanizing shops sa lansangan
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 2, 2019 - 12:00am

MARAMING vulcanizing shops sa India at para makarami sila ng customer, ikinakalat nila ang mga pako sa lansangan. Kapag maraming nabutas na gulong, tiba-tiba sila.

Pero hindi naging hadlang sa isang engineer dun ang masamang ginagawa ng mga may-ari ng vulcanizing shops dahil na­ging krusada na niya ang pagpulot sa mga pako. Halos araw-araw ay namumulot siya ng mga pako sa lansangan. At dahil sa tiyaga, nakapag-ipon na ng 50 kilong pako.

Nagsimula ang lahat nang mapansin ni Benedict Jebamukar na lagi siyang nabubutasan ng gulong tuwing dumadaan sa Outer Ring Road sa Bangalore.

Noong una inakala niyang nagkataon lang ito ngunit naghinala na siya nang mapansin niyang tabi-tabi ang mga vulcanizing shop sa lugar.

Nagpunta siya sa lokal na kinauukulan ngunit hindi inaksyunan ang kanyang reklamo kaya nagpasyang siya na mismo ang maglilinis ng mga pakong ikinakalat ng vulcanizing shops.

Isa-isa niyang pinupulot ang mga pako gamit ang kamay ngunit masyado itong mabagal at nakakapagod kaya nag-isip siya ng paraan kung paano mapapadali ang pagkuha sa mga pako. Gumawa siya ng pamingwit at nilagyan ito sa dulo ng magnet na pupulot sa mga pako.

Sinimulan ni Jebamukar ang kanyang krusada noong 2012 at simula noon, 50 kilong pako na ang kanyang napupulot.

Ngayon ay wala pa ring balak si Jebamukar na itigil ang pamumulot ng pako sa lansangan dahil wala pa ring ginagawa ang mga awtoridad sa masamang gawain ng mga vulcanizing shop sa kanilang lugar.

 

VULCANIZING SHOPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with