Vietnamese na inoperahan noong 1988, may naiwan na surgical scissor sa tiyan
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 1, 2019 - 12:00am

INALIS mula sa tiyan ng isang lalaki sa Vietnam ang isang gunting na pang-surgery na naiwan matapos ang isang operasyon, 21 taon na ang nakararaan.

Inoperahan noong 1998 si Ma Van Nhat, na ngayo’y 56-anyos na, matapos ang isang aksidente ngunit ngayon lang natuklasan na may naiwan palang 15-sentime­trong gunting sa loob ng kanyang tiyan matapos ang operasyon.

Dumaing si Nhat ng pananakit ng tiyan kaya noong una’y inakala ng mga doctor na dulot ito ng ulcer ngunit nang isailalim siya sa ultrasound ay napag-alamang isang gunting pala ang sanhi ng nararamdaman niyang sakit.

Inabot ng tatlong oras na operasyon at ngayon ay nagpapagaling na si Nhat na nasa mabuti ng kondisyon.

Bago siya nakaramdam ang sakit ay naging pangkaraniwan naman ang buhay ni Nhat kaya wala siyang kaalam-alam na may dinadala pala siyang gunting sa kanyang tiyan.

Kahit na naging maayos na ang kalagayan ni Nhat, ina­alam pa rin ng mga awtoridad kung sino ang nag-opera sa kanyang tiyan upang mapanagot sa batas at maging halimbawa sa ibang doctor para hindi na maulit ang pang­yayari.

MA VAN NHAT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with