3-anyos na nawala ng ilang araw sa kakahuyan, ligtas matapos daw siyang alagaan ng oso
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 30, 2019 - 12:00am

ISANG 3-anyos na bata ang natagpuang ligtas matapos mawala ng dalawang araw sa kakahuyan sa North Carolina ang nagsabing sinamahan daw siya ng isang oso.

Nawala si Casey Hathaway matapos siyang gumala palabas ng bakuran ng kanyang lola sa Ernul, North Carolina noong nakaraang Martes habang siya ay nakikipaglaro sa ibang bata.

Noong Biyernes, nagpost ang kanyang tiyahin na si Breanna Hathaway sa Facebook kung saan nakasaad na natagpuan na ang kanyang pamangkin at nasa maayos itong kalagayan.

Dagdag pa ni Breanna, ayon daw sa kanyang pamangkin ay kasa-kasama raw niya ang isang oso habang siya ay nawawala sa kakahuyan.

Naniniwala tuloy si Breanna na ipinadala ng Diyos ang oso upang masiguradong ligtas ang kan­yang pamangkin.

Totoo man o hindi ang paniniwala ni Breanna, nasa mabuting kalagayan ang bata nang matagpuan ng mga rescuers.

Nasa ospital ngayon si Casey na ginagamot para sa ilang gasgas na kanyang tinamo mula sa mga talahib sa kakahuyan.

CASEY HATHAWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with