EDITORYAL - Plastic pollution
(Pang-masa) - January 29, 2019 - 12:00am

HINDI lamang sa Pilipinas pinuproblema ang plastic pollution kundi sa buong mundo. Bawat baybaying dagat nang maraming bansa ay namumulaklak sa sari-saring plastic na bagay na itinapon ng mga iresponsableng mamamayan. Walang pakundangan ang pagtatapon ng mga plastic.

Sa isang pag-aaral, tinatayang 437 million hanggang 8.3 billion plastics ang inaanod sa mga baybayin o coastline sa buong mundo. Sa baybaying dagat ng America, 7.5 million plastics ang nakakalat.

Pandaigdig na ang problema sa mga basurang plastic kaya marami ang nananawagan na ang bawat bansa ay magdeklara ng paglaban sa plastic pollution. Ipagbawal na ang paggamit ng plastic na sumisira sa kapaligiran.

Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansang may pinakamalaking sources ng plastic pollution sa mundo. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia. Sumali naman ang Pilipinas sa panawagan at nangakong lalabanan ang plastic pollution.

Nagsalita si Environment Secretary Roy Cimatu at sinabing tapos na ang araw ng mga nagbubulag-bulagan at gumagawa ng krimen laban sa Inang Kalikasan. Ang pag-abuso sa kalikasan ay tutuldukan na sapagkat mahigpit nang ipatutupad ang environmental laws, rules, regulations at ordinances.

Ngayong nananawagan na ang Pilipinas sa pagbabawal sa paggamit ng mga plastic, dapat magpakita ng halimbawa. Magkaroon nang kamay na bakal sa mga iresponsableng mamamayan na walang pakundangan kung magtapon ng plastic sa mga kanal at estero. Ang mga basurang plastic na itinapon ay iniluluwa sa Manila Bay.

Nakikita na ito ng DENR secretary kaya nagbanta na siya sa mga walang disiplinang mamamayan. Nararapat na huwag patawarin ang mga nagpaparumi sa kapaligiran.

PLASTIC POLLUTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with