Train, hindi sinasadyang napaandar ng babaing janitor, bahay sinagasaan!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 29, 2019 - 12:00am

NAGULAT ang mga naninirahan sa isang bahay sa Sweden nang biglang sumagasa ang isang train at nawasak ang bahagi ng kanilang tirahan. Wala namang nasaktan sa occupants ng bahay.

Hinala ng Swedish police, itatakas ng babae ang tren kaya niya ito minaneho.

Pero lumabas sa imbestigasyon na hindi sinasadyang napatakbo nito ang train habang nililinis ito sa depot. Aksidente umano ang nangyari kaya biglang umandar ang train.

Ayon sa report, tumakbo ang train ng 1.6 kilometers hanggang sa makarating sa end station ng railway line, kung saan ito nag-jumped sa riles at bumangga sa tatlong palapag na bahay.

Walang nasaktan maliban sa babaing janitor. Kailangan siyang dalhin sa ospital dahil sa mga sugat na tinamo. Ligtas na siya sa kamatayan.

TRAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with