_pang-masa
^

Utol (117)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 26, 2019 - 12:00am

PUMASOK sina Gerald at Xander sa gate ng mansion. Halos malula si Xander. Napakayaman pala talaga ng kanyang papa!

“Sinu-sino ang mga kasama mo sa mansion na ito, Utol?’’ tanong ni Xander.

“Mga maid at ang driver. Lima ang maid. Dalawa ang mayordoma – sina Nanay Julia at Nanay Luisa. Mga matatanda na sila.’’
“Sino sa kanila ang kilala ang aking ina na si Catalina?’’

“Si Nanay Luisa. Marami siyang alam ukol sa iyong ina.’’

“Sana mayroon pa siyang nalalaman ukol kay Mama. Palagay ko kasi, marami pang hindi sinabi si Mama sa akin.’’

“Maaari mo siyang tanungin, Xander. Mabait si Nanay Luisa.’’

Pumasok na sila sa main entrance ng mansion.

Nakita nila na naghihintay na sina Nanay Julia at Nanay Luisa. Nag-aabang na marahil kanina pa ang dalawang matanda.

“Sila ang sinasabi kong mga maid, Xander – sina Nanay Luisa at Nanay Julia.’’

Tuwang-tuwang yumakap si Nanay Julia at Nanay Luisa kay Gerald.

Pagkatapos ay ipinakilala sa mga ito si Xander.

“Nanay Luisa, Nanay Julia siya po si Xander, ang aking utol.’’

Hindi makapaniwala ang dalawang matanda lalo na si Nanay Luisa.

“Nagkita rin kami sa wakas!’’

“Magkapatid nga kayo. Magkamukha kayo!’’ sabi ni Nanay Julia.

“Xander, ako si Nanay Luisa, marami akong kuwento ukol sa nanahy mong si Catalina.’’

Nagmano si Xander kay Nanay Luisa.

(Itutuloy)

 

KABAYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with