Taga-MPD, hindi balat-sibuyas sa banat ng media!
SUPALPAL! - Non Alquitran (Pang-masa) - January 25, 2019 - 12:00am

BINANSAGAN ng mga pulis sa MPD-Station 1 sa Tondo ang hepe nila na si Supt. Rey Magdaluyo na mamamatay tao. Kumalat sa Camp Crame ang bansag kay Magdaluyo at nagtataka naman ang mga kapwa n’ya opisyal ng pulisya dahil wala pa namang namamatay na kriminal o drug pusher sa sakop ng Station 1 nga.

‘Yaon pala may ibang kahulugan ang bansag ng mga tauhan niya kay Magdaluyo na hindi maganda pakinggan. Noon palang panahon ng pinalitan ni Magdaluyo na si Supt. Jay Dimaandal, may libreng pananghalian at hapunan ang kanyang mga tauhan. Ang pondo ay galing sa enkargado ni Dimaandal na dinadagdagan niya ng P3,000 para maging sapat ang budget sa dalawang kainan.

Subalit sa pagpalit ni Magdaluyo, tinanggal niya ang pagkain ng kanyang tauhan kaya’t nganga sila sa ngayon. Kaya pala binansagang mamamatay tao si Magdaluyo kasi nga mamamatay sa gutom ang kanyang mga tauhan. Araguuyyy! Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Kaya tingnan mo NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar Sir ang accomplishment ni Magdaluyo at puro smoking in public place, cara y cruz at ordinansa ang kanyang nahuhuli.

Paano kaya makumbinsi ni Magdaluyo itong kanyang mga tauhan na magtrabaho kung gutom sila. Kung sabagay, dinagdagan na ni Pres. Digong ang suweldo ng mga pulis kaya’t hindi sila mangangayayat kasi me pambili sila ng pagkain nila. Kaya’t ang parating sa Station 1 ng enkargadong si PO2 Dennis Ramos ay diretso na lang sa bulsa ni Magdaluyo. Araguuyyy!

Hindi pa kuntento si Magdaluyo sa P175,000 na weekly payola niya sa mga ilegalista at kaltas na P10,000 sa MOOE ng mga presinto at tig-P5,000 sa sugal lupa at pati budget para sa pagkain ng tauhan n’ya ay tinabla pa n’ya. Hak hak hak! Mukhang magreretiro na si Magdaluyo ah, di ba kosang Gaynor Bonilla Sir? Puwede mo na siguro s’yang singilin ng “utang” n’ya kosang Gaynor!

Sinabi naman ni kosang Brian Gem Bilasano na mabait pero trabahador at birador si Magdaluyo. Ilang beses daw nakasama ni kosang Brian si Magdaluyo na personal na pinangasiwaan ang checkpoint operations sa sakop n’ya. Ewan ko lang kung may nahuling malaking isda sa checkpoint operations si Magdaluyo dahil hindi naman sinabi ni kosang Brian kung anu-ano ang accomplishments n’ya.

Subalit idiniin pa ni kosang Brian, na ayaw ni Magdaluyo na tatamad-tamad ang kanyang mga tauhan. Baka tamad magtrabaho ang taga-Station 1 kaya tinanggal ang kanilang libreng tanghalian at hapunan? Puwede di ba mga kosa? Hak hak hak! Sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Si kosang Brian o ang mga tauhan ni Magdaluyo?

Kaya hinikayat naman ni MPD director Sr. Supt. Vicente Danao Jr. ang kanyang mga tauhan na huwag maging balat-sibuyas sa mga criticism laban sa kanila dahil sa maging giya ito para maisulong at mapaganda nila ang kanilang trabaho. “Policemen should not be onion-skinned as “criticism help us perform our duty well,” ani Col. Danao kay kosang Pat Santos. “Bring it on,” ang dagdag pa niya. Abangan!

MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with