^

Punto Mo

EDITORYAL - Umaarangkada na naman ang pahirap na excise tax

Pang-masa
EDITORYAL - Umaarangkada na naman ang pahirap na excise tax

KAMAKALAWA, tumaas na naman ang presyo ng gasoline at diesel, Ito na ang ikaapat na pagtataas mula nang pumasok ang 2019. At sabi ng Department of Energy, mayroon na namang nakaambang pagtataas sa susunod na linggo. Ang fuel hike ay resulta umano nang pagbabawas ng production ng oil-exporting countries. Hindi raw ito mapipigilan. Ang nagpatindi sa pagtaas ay ang pinatong na excise tax sa bawat litro ng gasoline at diesel na naging epek­tibo noong Enero 1. Umarangkada muli ang excise tax at nagpapahirap.

Sa pagtaas ng petroleum products, tiyak na tataas din ang mga pangunahing bilihin. Susunod sa presyo ng gas ang prime commodities gaya ng sardinas, mantika, asukal, karne at isda. Gumagamit ng gasolina sa pagdedeliber kaya apektado ang mga pangunahing pangangailangan.

Kahapon, sinabi ng isang transport group na nakikipagdayalog na sila sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maibalik sa P10 ang pasahe sa dyipni. Wala na umanong naiuuwi sa pamilya ang mga drayber ng jeepney dahil sa mga serye ng pagtataas ng diesel. Kailangan daw maibalik sa P10 ang pamasahe para hindi naman maging kawawa ang pamilya ng mga drayber.

Ngayong 2019 ipinatutupad ang ikalawang yugto ng excise tax alinsunod sa TRAIN law. Unang pinatupad ang excise tax sa petroleum products noong Enero 2018 kung saan P7.00 bawat litro ang pinataw sa gasoline; P2.50 sa diesel at P3.00 sa kerosene. Nga-yong 2019, mas mataas ang excise tax sa bawat litro ng gasoline na pumapalo sa P9.00; P4.50 sa diesel at P5.00 sa kerosene.

Noong nakaraang taon, malakas ang panawagan na suspendihin ang excise tax sa petroleum products pero, hindi natinag ang pamahalaan. Noong Oktubre 2018, pinahayag ni President Duterte na payag siyang suspendihin ang excise tax pero sinansala ito ng kanyang economic advisers. Hindi raw maaaring suspendihin sapagkat dito kinukuha ang pondo sa “Build, Build, Build” program.

Ngayong sumisipa na naman ang presyo ng gasoline at diesel, walang ibang tatamaan nito kundi ang mga kakarampot ang kita. Hindi ang mga mayayamang advisers ni Duterte ang makakadama ng hirap kundi ang mga naghihikahos na mamamayan. Wala silang ideya kung paano maging dukha.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with