^

Punto Mo

Salamat sa Mabuting Samaritano na’to!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG aming grupo ay hindi lang pambansang sumbungan. Ang mga programa ng BITAG Multimedia Network, partikular ang BITAG Live ay tumatalakay din ng pambansang isyu – unfiltered, no holds barred.

Sa kolum na ito, gusto kong isa-isahin ang mga kategorya ng trapo, este, pulitiko. May mga talagang maaasahan; marami namang puro papogi’t paepal lang.

Lalo na sa panahon ngayon, ilang tulog na lang, eleksyon na, naglalabasan ang mga trapo sa kanilang lungga. May mga mangilan-ngilang pulitiko na may matatalinong pananaw at masasabi mong tapat sa serbisyo.

Hindi na ako magbabanggit ng pangalan sa espasyong ito dahil hindi naman kami nag-eendorso ng mga pulitiko o anumang partylist.

Nito lang, may taong gobyerno, mataas na posisyon sa isang lalawigan ang tumulong sa biktimang sinilaban ng asawa na lumapit sa aming action center.

Ang pobre, sinilaban ng hayop niyang mister. Nakakaawa ang estado: lapnos at naging sobrang sensitibo ang balat. Mainitan lang nang kaunti, parusa na sa pakiramdam.

Matapos naming maipalabas ang panawagang tulong para sa biktima, agad tumugon ang tanggapan ng lider na tinutukoy ko.

Sa madaling salita, natulungan ang biktima. Daang libong piso kung tutuusin ang dapat na mabayaran sa ospital para ito makalabas.

Gusto naming pasalamatan nang maayos itong tumulong pero nagpumilit na ‘wag na lang siyang ipalabas sa telebisyon at ‘wag na siyang pangalanan.

Eto ang sinasabi ko, ang totoong may busilak na puso, kapag tumulong ay hindi na kailangan ng publicity. Nasa puso ang pagtulong at di na nagpapaepal lang.

Sabi ko nga sa aking programa, galit ako sa mga pulitikong ma-epal. Kundi mahilig kumontra, panay naman ang drama’t arte sa harap ng media.

Nakakalungkot lang talaga sa Pinas, sadyang mas marami ang bilang ng mga pulitikong trapo na, bobo pa. San ka pa?

May kilala ba kayong mga ganito? Bato-bato sa langit, tamaan sana sila ng kulog at kidlat nang hindi na makatakbo ngayong eleksiyon!

At sa mabuting Samaritanong tumulong sa aming complainant, alam kong binabasa mo ngayon ang kolum kong ‘to. Maraming salamat sa iyong tulong at tiwala sa aming serbisyo publiko!

vuukle comment

BITAG MULTIMEDIA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with