Utol (115)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

HABANG nagbibiyaheng sakay ng bus ay walang tigil sa pagkukuwentuhan ang mag-utol. Masayang-masaya na para bang sabik na sabik sa isa’t isa.

‘’Malaki ba talaga ang mansiyon n’yo sa probinsiya, Utol? Baka manibago ako roon, hindi ako sanay sa malaking bahay.’’

“Malaki Utol! Pero ma-sasanay ka rin. Sa simula lang mahirap tumira sa malaking bahay.’’

‘’Yun talaga ang orihinal na bahay n’yo Utol?’’

“Oo. Pundar talaga ni Papa at Mama ang bahay na ‘yun. Masyado kasing sinuwerte si Papa sa mga negosyo. Ang pinakamalakas niyang negos­yo ay ang asucarera. May malaking taniman ng tubo si Papa at mayroon ding pigaan.’’

“Anong pigaan Utol?’’

“’Yun ay equipment para pigain ang sugarcane. Kapag nakatas, ‘yun ang nagiging asukal, pulot, muscuvado at iba pang produkto. Malaki ang kinikita ni Papa sa negosyong iyon. Mula pa noon, walang palya ang sampa ng pera kaya maraming pera ang ama natin. Masyadong masipag si Papa. Bago siya namatay, mayroon siyang inum­pisahang bagong produkto --- banana chips. Malaki rin kasi ang banana plantation ni Papa at naisip niya, kaysa ibenta ang saging nang kilu-kilo lang, mas maganda kung gawing banana chips. Gumawa si Papa ng kung anu-anong flavor sa banana chips --- cheese,  garlic, choco, inasal, sisig at iba pa. Pawang pumatok ang mga ‘yun Utol. Ayon sa bilin sa akin ni Papa bago siya pumanaw, sa iyo mapupunta ang Banana Chips Co. Bukod pa roon, meron ka ring sugarcane plantation at may bahagi ka rin sa bakahan at mga itikan.’’

Hindi makapaniwala si Xander. Talaga palang napa-kayaman ng kanyang papa. Hindi pala basta-basta ang yaman nito.

“Turuan mo akong magpatakbo ng negosyo Utol. Wala talaga akong alam pero ipinangangako ko, iingatan ko at pagyayamanin pa ang mga pamana ng ating ama.’’

‘‘Tama ang pasya mo, Xander. Hayaan mo at iga-guide kita. Ngayon pa ba kita pababayaan. Tiyak na matutuwa si Papa saan man siya naroon dahil nasa mabu-ting kamay ang kanyang mga naipundar.’’

“Mag-aaral akong mabuti, Utol. Pangako ‘yan, Kung noon ay para bang wala akong pangarap sa buhay, ngayon ay magsisikap ako nang todo.’’ (Itutuloy)

UTOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with