^

Punto Mo

Kabataang nasasangkotsa krimen, tumataas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Alarming, ayon nga sa PNP ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan o menor de edad na nahuhuli dahil sa pagtutulak ng droga.

Sa kanilang rekord, dumoble nga ang bilang ng mga minor na nadadawit at kanilang nasagip matapos masangkot sa ganitong ilegal na gawain.

Sila nga kasi ngayon ang target na imobilisa ng sindikato sa droga sa kanilang operasyon, dahil sa walang kulong o pananagutan ang mga ito dahil sa kanilang edad.

Kumbaga eh, ginagawang lisensiya ang edad para sumangkot sa mga krimen at ilegal na gawain.

Ngayon nakalusot na sa House Committee ang pagpapababa sa edad na 9-anyos mula sa 15-anyos ang criminal liability sa mga kabataan.

Mainit ngayon ang balitaktakan ukol dito, dahil nga masyadong mababa ang edad na 9-anyos, ayon sa iba.

Kahapon nagpalabas ng data ang PNP, kung saan lumalabas na halos doble ang itinaas ng bilang ng mga batang masasabing nalihis ng landas at nasangkot sa pagtutulak ng droga na 481 noong 2017 at nasa 857 naman sa taong 2018.

Base rin sa rekord, meron namang mula 5 hanggang 10-taong gulang ay humihitit na ng shabu, singhot nang singhot ng rugby, laman na ng lansangan at dawit na rin sa ilang petty crime.

Tinukoy naman ng PNP na lima sa pangunahing krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad noong 2018 ay nangunguna ang physical injury na naitala sa 2, 256 kaso kumpara sa 2,088 noong 2017, sumunod dito ang pagnanakaw na nasa 1,517 noong 2018 na mas mataas noong 2017 na nasa 877 kabataan; pangatlo ang maliscious mischief na nasa 13,24 noong nakalipas na taon kumpara sa 180 naitala noong 2017.

Dahil sa ganitong mga pigura, pabor ang pamunuan ng PNP sa panukalang maibaba sa 9-anyos ang criminal lability.

Pero kung may pabor, meron din namang tutol sa pagsasabing masyadong bata pa ang mga ito para ituring na mga kriminal na dapat sana ay masagip pa nga sa kinasadlakang hindi kagandahang kinasadlakan,.

May panukala rin na kung hindi pa pwedeng panagutin ang mga bata sa krimeng kanilang kinasangkutan, eh ang mga magulang nito ang siyang patawan ng kaparusahan.

Anu’t-anuman ang maging dulo ng usapin, at kung ano man ang maaprubahang batas ukol dito, marapat lang na mabigyan nang pansin ang kapakanan ng mga kabataan.

Kung saang banda sila mapapabuti , alamin kung saan banda sila lalong mapapahamak kaya mas makabubuti pa ang mas masusing pag-aaral.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with