^

Punto Mo

Taga-Cavite, pinahihirapan ng PITX!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MAARING maganda ang hangarin ng mga nasa likod ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) subalit habang tumatagal, nagiging pahirap ito sa biyahero, lalo na sa mga Caviteño. Habang hindi pa nag-uusap ang Department of Transportation (DOTr) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para i-reconcile ang kanilang mga alituntunin, tumitirik ang mata ng mga biyahero sa paghihintay ng masasakyang dyipni o bus patungo sa kanilang trabaho at pag-uwi sa kanilang tahanan.

Hamakin n’yo kapag dumating na sa PITX ang sinasakyan na bus ng mga biyahero, halos dalawang oras silang naghihintay ng masasakyan patungo sa kanilang trabaho. Kung may bumibiyahe kasing SUV van dito ay hinuhuli ng Land Transportation Office (LTO) dahil kolorum.

Ang siste, matagal nang nag-apply ng prankisa ang mga van at iba pang uri ng sasakyan para sa biyahe patungong MRT-LRT at pati na sa Cavite subalit hindi naman ito inaaksiyunan ng LTFRB. Araguuyyy! Ang siste pa, kapag tapos na ang kanilang walong oras na trabaho, eh halos tatlo o apat na oras pa bago sila makasakay at darating na sila sa kanilang mga tahanan ng halos 10:00 ng gabi. Hak hak hak!

Pagod na nga sa trabaho ang workers na taga-Cavite at nadodoble pa ang pagod na ito dahil sa hirap sa pagbiyahe pauwi sa kanilang bahay, ‘di ba kosang Vic Torres Sir? Tumpak!

Bukod sa pagod na nararanasan ng taga-Cavite e, halos nadoble na rin ang kanilang gastusin sa pamasahe ayon kay Torres. Kasi nga kapag, dalawang oras na walang masakyan sa PITX, napipilitan silang mag-hire ng kung anu-anong masasakyan papunta sa lugar kung saan may biyahe patungo sa kanilang trabaho.

Kapag minalas ka naman ay mapipilitan silang mag-GRAB at presto....mauubos ang budget ng workers na isang buwang pamasahe sa isang araw lang. Lalo na sa ngayon at tumaas na naman ang presyo ng gasolina. Araguuyyy! At kailan pa matatapos ang paghihirap ng mga Caviteño?

‘Yan ang tanong ni Torres sa DOTr, LTO at LTFRB. Baka si President Digong ay may kasagutan dito? Ngunit bakit tahimik ang ating mga kongresista, senador at mga miyembro ng Gabinete ni Digong sa problemang dulot ng PITX?

Hikahos na nga ang budget ng workers sa Cavite para sa kanilang pamilya e parang harap-harapan pang ninanakaw ito sa kanilang bulsa dulot sa problemang gawa ng PITX. Hak hak hak! Bakit kaya bulag, pipi at bingi ang mga opisyales ng gobyerno at mga pulitiko natin sa mga hinaing ng taga-Cavite?

Inilapit na rin ng taga-Cavite kay Gov. Boying Remulla ang kanilang hinaing na nangako namang kaakibat siya ng kanyang constituents sa problemang dulot ng PITX. Ayon kay Remulla, ang pasilidad, sistema at mekanismo ng PITX ay hindi nasasaayos kasi hindi ito konektado sa tren ng MRT at LRT.

Mahina ang tatlong sakay papunta sa mga istasyon ng tren kaya nanawagan si Remulla sa awardee ng PITX at DOTr na gawan ng koneksiyon ito sa MRT at LRT. Nakikiusap din si Remulla sa LTFRB na bilisan ang pag-aprub ng mga prankisa ng PUV Express para may masakyan ang kanyang constituents dahil hindi naman nababawasan ang commuters imbes dumadami pa. Hak hak hak! Puro pangako lang ang iisagot kay Remulla ng mga tinatawagan niyang ahensiya ng gobyerno. Abangan!

vuukle comment

PITX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with