Estilong BITAG, pinatikim sa switik na truck dealer at agent!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

MAAKSIYONG operasyon, mainitang kumprontasyon o gulpi-de gulat na pagbisita, ganito magtrabaho ang BITAG-Kilos Pronto.

Hindi kami paupo-upo o patawag-tawag lang. Resulta ang layunin ng aming grupo sa mga sumbong at reklamong inilalapit sa amin.

Tulad ng lumapit sa aming complainant na galing pang Davao. Kuwento niya sa BITAG Kilos Pronto, bumili siya ng dumptruck sa East Global Trading noong May 2018. Nasa P975,000 ang kabuuang pera na kanyang nailabas.

Dalawang buwan ang nagdaan, kahit gulong ng truck di niya nahawakan. Kaya nag-demand siyang i-refund ang halos milyones na binayad. Pumayag ang dealer at naglabas ng tseke… ‘yun nga lang, talbog!

Nakausap ko ang ahente ng kompanya. Hugas kamay pa noong una. Napakaraming satsat at dahilan. Tutulong lang ang pendeho dahil pumasok na ang BITAG-Kilos Pronto.

Wala nang maraming kuda. Agad sinugod ng BITAG-KP strike force ang bastos na kompanya.

Kayong mga loko, tandaan n’yo… kapag kayo’y tinrabaho namin, umayos kayo! Magsasampol kami! Gusto n’yo pala talagang papasok kami sa inyo nang the old ways, ‘yung talagang traditional BITAG.

Criminal offense ang ginawa n’yo diyan sa East Global. Garapalan ang estafa at panloloko ng negosyo n’yo.

Ang mga katulad n’yo, walang karapatang magnegosyo. Hindi kami anti-business pero kung di kayo magtitino, sisiguraduhin kong magsasara kayo.

Kaya kasama namin ang tropa ng Business Permit And Licensing Office (BPLO) sa pagbisita. Pag nagkamali sila, bye bye kanilang lisensiya.

Noong araw ding ‘yun, agad silang gumawa ng “commitment letter” o liham na kanilang pananagutan at ibabalik ang pera sa biktima.

Magsilbi sanang babala ang segment na ito sa lahat ng manggagantsong establisimento! Hindi kayo sasantuhin ng pambansang sumbungan.

Patuloy naming tututukan ang kasong ito hanggang sa maibalik ang pera sa nagrereklamo.

Hindi titigil ang BITAG hangga’t wala pang abutan na nagaganap.

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with