Sa sobrang init, hilaw na karne naluto matapos iwan sa loob ng kotse sa Australia
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

NAPATUNAYAN ng isang restaurant owner sa Australia kung gaano katindi ang nararanasang heat wave doon ngayon matapos maluto ang hilaw na karneng maghapon niyang iniwan sa loob ng naka-park niyang sasakyan.

Ipinost sa Facebook ng may-ari ng Mildura Café ang picture ng steak na kanyang iniwan sa loob ng kanyang kotse. Makikita sa larawang iniwan niya itong nakapatong sa isang metal na lalagyan.

Ayon sa Facebook post, iniwan daw niya ang karne mula 11:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Makikita naman sa susunod na litrato na lutung-luto na ang karne matapos itong mababad ng limang oras sa loob ng sasakyan.

Ayon sa Bureau of Meteorology, umabot daw ng 45.8 degrees ang temperatura sa lugar.

Mayroon namang mga diskumpiyado sa kuwento ng restaurant owner at hindi naniniwalang maluluto ng maayos ang karne lalo na’t ayon sa kuwento ay sa lilim niya raw ito iniwang naka-park.

Gayunpaman, pinapayuhan pa rin ng mga awtoridad sa Australia ang publiko na siguraduhing walang maiiwang bata o alagang hayop sa loob ng mga nakaparadang sasakyan at ugaliing kamustahin ang mga kapitbahay na may-edad na naninirahang mag-isa at delikadong ma-heatstroke.

HEAT WAVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with