^

Punto Mo

Utol (111)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KUMAIN ka pa Utol! Marami tayong pagkain!” sabi ni Xander na halatang masayang-masaya at sabik sa kapatid.

 

“Busog na ako Utol Xander. Wala nang paglalagyan!’’

“Ha-ha-ha! Talo pala kita sa kainan!’’

“Kaya ang lakas mo Utol! Kita mo nga’t napatumba mo lahat ang mga sigang umupak sa akin. Kung hindi ka duma-ting kanina, baka nakalugmok at naghihingalo na ako.’’

“Hindi mangyayari ‘yun, Utol. Pero ‘di ba marami ka na ring napabagsak?’’

“’Yung mga unang naka-sagupa ko. Pero nang magdatingan ang iba pa, nataranta na ako.’’

“Pero bilib din ako sa’yo Utol, ang husay mong maki­pag­laban gamit ang sinturon. Sino ang nagturo sa iyo?’’

“Si Papa natin. Bata pa     ako, tinuruan na niya ako. Mahusay siya Utol Xander. Mayroon pa siyang mga steps na parang nagsasayaw habang hawak ang sinturon. Mahalaga raw ang galaw ng mga paa sa pakikipaglaban gamit ang sinturon.’’

“Talaga Utol?’’

“Oo. Kay Papa ko natutunan ang lahat. Sabi pa niya ito ang tanging sandata na lagi mong dala-dala sa lahat nang oras at hindi halata dahil suot mo. Ikaw naman, paano ka natuto ng sinturon fighting?’’

“Wala Utol. Basta, nalaman ko na lamang na maru-nong ako. Hawak ko noon ang aking sinturon at nilaru-laro ko. Marunong na agad ako. Maski nga ang sinasabi mong steps e alam ko.’’

“Talaga Xander? Nani­niwala na ako ngayon na talagang mag-utol tayo sapagkat nananalaytay sa atin ang dugo ni Papa na mahusay sa sinturon fighting.’’

“’Yan din ang iniisip ko Utol. Isa pa, hindi talaga maipagkakaila na mag-utol tayo. Magkamukhang-magkamukha tayo.’’

“Oo nga.  At siyanga pala, nung una kong punta rito, natakot sa akin ang mga nag-iinuman sa kalsada. Akala nila, ako si Xander, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Xander.

Hanggang sa madako ang usapan nila sa kanilang papa.

“Siyanga pala Xander, gusto mo bang madalaw ang libingan ni Papa sa probinsiya? Para makarating ka na rin sa ating mansion dun.’’

“Nakita ko na ang puntod ni Papa, Utol.’’

Gulat na gulat si Gerald.

“Kailan mo dinalaw?’’

“Noong nakaraang buwan.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with