^

Punto Mo

Trapik pa rin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Talaga nga yatang hindi na masosolusyunan ang ma-tinding trapik sa mga pangunahing lansangan, partikular sa Metro Manila.

Bukod sa hindi nga lumalaki ang mga kalsada, padagdag pa nang padagdag ang mga nagkakasasakyan na wala namang paradahan.

Kung anu-ano na ang mga naisip na paraan at mga polisiya na ipinatutupad ang Metropolitan Manila Development Authori­ty (MMDA), kung sinu-sino na rin ang iniluluklok para solusyunan ang problema pero tila walang pagbabago at nangyayari.

Suma-total ang kalbaryong trapik ay nandyan pa rin.

Naglagay ng Mabuhay lane, ‘di naman nababantayan nang husto.

Kaya yung mga sagabal sa lansangan pabalik-balik na lang.

Sana ay natututukan, sana hindi puro simula, sana ay napapanatili hanggang sa matuto ang mga pasaway na sumunod sa mga ipinatutupad na patakaran.

Karamihan sa mga may sasakyan, walang paradahan, ang inaring parking, bangketa at kalsada.

May karatula na ‘reserve parking’ o hindi ba’t ang kakapal ng mukha ng mga ito.

Kahit pa sabihing itinaas ang multa sa mga lalabag sa batas trapiko kabilang nga rito ang illegal parking, hindi natinag ang mga pasaway, kasi nga tila alam nilang hindi naman ito mahigpit na maipapatupad at maaaring hanggang salita lang, hindi naman regular na nasusubaybayan.

Isa pa sa nagiging dahilan ng trapik ay ang kabi-kabilang konstraksyon ng DPWH, naku po, lalo nang nagkaloko-loko.

Eh pano ba naman, isa pa yang DPWH na hindi rin nasusubaybayan ang kanilang mga proyekto lalu na ang kanilang kontraktor na nagbabalasubas sa mga kalsada.

Ang mga kagamitan nakakalat at sagabal na rin sa lansangan.

Kung nais nilang malutas ang trapik sa ganitong maliliit na bagay dapat may pagsubaybay at hindi hanggang una lang.

Huwag ningas-kugon, sana matugunan ang mga sumbong.

vuukle comment

TRAPIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with