^

Punto Mo

Happy Cool, P1-B ang utang sa PCSO!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

TINULDUKAN na ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gen. Man. Alexander Balutan ang buhay ng Small Town Lottery ng Happy Cool Games and Amusement Corp. para magsagawa ng STL operations sa southern Metro Manila.

Ang Happy Cool mga kosa ay nag-ooperate sa mga siyudad ng Pasay, Makati, Muntinlupa, Las Piñas, at Parañaque at sa bayan ng Pateros. Subalit imbes na magbayad ng tinatawag na Presumptive Monthly Revenue Receipt (PMRR) na aabot sa mahigit isang milyon kada araw, ang naiabot lang ng Happy Cool ay halos P82,000 na ikinalugi ng PCSO sa nasabing operation.

Halos ilang taon ding nag-operate ang Happy Cool sa southern Metro Manila at sa katunayan nagkaroon sila ng gross sales shortfall na aabot sa mahigit P1-B. Araguuyyy! Malaking pera ang nawala sa kaban ng PCSO, di ba Mr. Balutan Sir? At ang Happy Cool ay may pagkakautang pa sa PCSO ng aabot sa mahigit P394 milyon as of Oct. 31, 2018. Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Itong termination order ni Balutan ay ipinarating na kina PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar at SPD director Chief Supt. Eliseo Cruz!

Sa isang meeting noong Sept. 5, 2018, nangako ang management ng Happy Cool na magbabayad sila ng kanilang sales shortfall due sa PCSO hindi matapos ang susunod na araw (Sept. 6). ‘Yan ay matapos i-reconcile ng PCSO ang accounts at scheme of payment ng Happy Cool alinsunod sa Resolution Nos. 0241 at 0242 na aprubado ng Board.

Siyempre, hindi sinunod ng management ng Happy Cool ang kanilang pangako at imbes kinasuhan nila ang PCSO sa RTC BRanch 278 sa Mandaluyong City at humingi sila ng TRO and/or writ of preliminary injunction. Inayunan naman ng korte ang Happy Cool at nagpalabas ng TRO noong Sept. 13 at ang writ of preliminary injunction noong Oct. 4 na naging daan kung bakit patuloy silang nag-operate ng kanilang STL.

Bago matapos ang 2018, parang wala pa ring ipinakita ang Happy Cool ng sinseridad na magabbayad sila ng kanilang pagkakautang sa PCSO kaya’t nagpasya ang Board na ipahinto na ang operation nila mula noong Dec. 10. Ang masaklap nito, iniutos din ni Balutan na i-forfeit ang cash bond ng Happy Cool at pagbayarin sila ng kung anu-anong danyos. Araguuyyy!

Kaya’t kung patuloy na nag-ooperate itong Happy Cool sa area ni SPD director Gen. Cruz ito ay illegal na at unauthorized ng PCSO, ani Balutan. Hak hak hak! Sa pagkaalam ng mga kosa ko, sa aabot 67 na STL authorized agent ng PCSO sa buong bansa, aba marami sa kanila ang kagaya ng Happy Cool na hindi nagbabayad ng PMRR at iba pang bayarin. Kaya dapat din silang tuldukan ni Balutan. Tumpak!

Sa totoo lang, itong hindi pagbayad ng mga authorized agent ng PCSO ang dahilan kung bakit bumaba ng 56 percent ang tulong na iginawad nila sa mga mahihirap o may sakit na Pinoy. Dati-rati’y malakihan ang tulong ang inaabot ng PCSO sa kanila subalit sa ngayon ay limitado na lang sa P5,000. Kung ang P1-M kada araw nga hindi mabayaran ng Happy Cool, itong P1B na pagkakautang pa kaya? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with