Rebulto ni satanas, inireklamo sa spain dahil masyado raw ‘maamo’
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

INULAN ng reklamo ang hindi pa natatapos na istatwa ni Satanas na itinatayo sa Segovia, Spain dahil masyado raw itong mukhang masayahin at maamo.

Ginawa ang rebulto bilang pag-alala sa isang alamat ukol sa Segovia kung saan naisahan daw si Satanas noong unang panahon para itayo ang kilalang kanal ng siyudad.

Ngunit hindi nagustuhan ng mga residente ang pagsasalarawan sa demonyo – na makikitang nakangiti habang kumukuha ng selfie.

Higit 5,400 katao – na bumubuo sa 10% ng populasyon ng Segovia – ang pumirma na isa isang petisyon upang ipatigil na ang paggawa sa rebulto.

Dahil sa masayang pagsasalarawan sa demonyo ay para na rin daw pinupuri ng istatwa ang kasamaan kaya naman masasabing “offensive” ito sa mga Katoliko.

Ayon sa iskultor ng istatwa na si Jose Antonio Abella ay nagulat siya sa rami ng batikos na inani ng kanyang nilikhang rebulto. Ginawa raw niya ito ng walang bayad at bilang pagkilala lamang sa kultura ng siyudad kung saan siya’y matagal nang naninirahan.

Sa ngayon, ipinatigil muna ng isang hukom ang pagtatayo ng rebulto ni Satanas habang inaalam pa kung isa nga itong paglapastangan sa paniniwala ng mga Katoliko.

SATANAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with