^

Punto Mo

Utol (109)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAKBUHAN na ang mga siga sa takot. Hindi nila kaya ang bangis ng mag-utol sa pakikipag­laban. Ang ibang hindi na makatakbo dahil sa sobrang sakit na natamo mula sa palo ng sinturon ay napayupyop na lamang. Nagmakaawa pa ang isa na huwag na siyang hatawin. Suko na siya!

Si Gemo ay tuwang-tuwa sa pangyayari. Wala siyang tigil sa pagsigaw habang nagtatakbuhan palayo ang mga siga.

“Bumalik kayo mga duwag! Mga walang yagbols! Mga bahag ang buntot!’’

Nakatingin lamang sina Gerald at Xander sa mga nagpulasang mga siga. Tila nagpapakiramdaman pa sila. Parang nagkakahiyaan pa.

Nang biglang lumapit si Gemo.

“Akala ko pababayaan mo si Sir Gerald, Sir Xander. Ako na sana ang lalaban kung hindi ka sumaklolo!’’

Napangiti lang si Xander. Napansin iyon ni Gerald. Ngayon lang ito ngumiti mula nang magkita sila. Mukhang may pagbabago na kay Xander.

“Salamat Sir Xander. Paano mo nagawa na mabilis na nakapunta rito gayung iniwan kita sa bahay mo?’’

“Mayroon akong agimat mula sa hangin!’’

“Owww? Paano nga Sir Xander?’’

“Hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga, nailigtas ko si Gerald sa mga siga na yun. Yung grupong yun ang gustong humawak ng lugar na ito. Pero ‘di sila uubra. Ako lagi ang makakalaban nila rito.’’

Saka lamang nagkaroon ng lakas na magsalita si Gerald.

“Salamat, Xander. Sa totoo lang, mukhang nahihirapan na ako kanina dahil dalawa yung sumugod sa akin na may hawak na patalim at basag na bote. Akala ko, katapusan ko na. Salamat at bigla kang duma-ting, Utol!’’

“Walang anuman, Utol,” sagot ni Xander.

“Aba tayo na sa bahay ni Sir Gerald at dun n’yo ipagpatuloy ang kuwentuhan. Magandang reunion ito,” sabi ni Gemo.

“E kung sa bahay na lang muna tayo. Mas maganda kung dun tayo. Para makita na rin ni Gerald ang bahay ko,” sabi ni Xander na inakbayan ang utol.

“Aba sige para makita ko naman ang bahay mo, Utol.’’

“At habang nagkukuwentuhan kayo, magluluto ako nang pagsasaluhan natin,” sabi ni Gemo.

“Marami kang lulutuing pagkain, Gemo. Maraming laman ang ref ko.’’

“Okey Sir Xander. Muk­hang masaya ang araw na ito.’’

“Oo, Gemo, masaya talaga ang araw na ito dahil magkakausap na kami nang maayos ni Utol,” sabi ni Xander.

Lumakad na sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with