^

Punto Mo

President Duterte, ipagbawal mo ang ‘bidding’ sa PNP!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MARAMI ang nagtaas ng kilay sa kautusan ni President Digong na nagbabawal sa mga kapulisan sa pagpunta sa mga bars, nightclubs at iba pang watering holes, lalo na ang pag-iinom sa kalye. May punto si Digong, lalo na at ang layunin niya ay baguhin ang imahe ng mga pulis.

Hindi naman kasi maganda kung palaging nakikita ang mga pulis, lalo na ang naka-uniporme, sa loob ng casino, sabungan, bars ang nightclubs, di ba mga kosa? Araguuyyy!  Siyempre, kasama na riyan ang nag-iinuman sa kalye subalit may nakasukbit namang baril sa baywang at kapag lasing na ay kadalasan nauuwi sa barilan.

Mautak talaga si Digong dahil tinaasan muna niya ang suweldo ng mga pulis bago disiplinahin. Sino pa ba ang mangahas na lumabag sa mga alituntunin ni Digong kung sa suweldo pa lang ay sagana na sila at puwede nang itaguyod ang kani-kanilang pamilya?

Sa ngayon, may iilang naligaw sa landas pa sa ating mga kapulisan subalit pakonti ng pakonti na lang ang kanilang bilang, di ba mga kosa? Ang magandang halimbawa rito ay ang kampanya laban sa paglabag ng city ordinance kung saan halos aabot na sa 700,000 ang naaresto ng mga tauhan ni NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar sa Metro Manila. May mga nahuhuli pa rin, subalit may takot na ang sambayanan at tiyak sa bandang huli ay pakonti at pakonti na rin ang lalabag sa city ordinances. Hak hak hak! Nasa tamang landas si Digong sa layunin niya na baguhin ang imahe ng PNP!

Kaya lang mukhang bitin ang kautusan ni Digong. Kung talagang gusto niyang linisin ang imahe ng kapulisan natin, dapat ipagbawal din niya ang tinatawag sa hanay ng PNP na “bidding” dahil isa pa itong dahilan para masira ang imahe ng PNP sa mata ng sambayanan.

Dito kasi sa “bidding” mga kosa, pataasan ito ng timbre sa weekly payola ng mga hepe ng kung anu-anong unit ng PNP at siyempre ang mga nananalo ay ipipilit ang kagustuhan nila sa kalye at ang lahat ng ilegalista ay umaaray. Araguuyyy! Isa sa nagpa-bidding mga kosa nang maupo sa puwesto ay isi Manila Police District (MPD) director Sr. Supt. Vicente Danao na ginawang P600,000 ang para sa kanyang opisina.

Mula kasi sa P400,000 + P50,000, itinaas ni Danao sa P600,000 ang weekly payola kaya hayun, hilong-talilong ang enkargado niya kung paano mapunuan ang tara. Kaya P400,000+P50,000 mga kosa dahil steady ito sa P450,000 subalit kapag may delubyo o mga raid ng iba’t ibang unit ng PNP, P400,000 lang ang tara ng enkargado. Get’s n’yo mga kosa?

At isama ko na si Supt. Rey Magdaluyo, ng Station 1 ng MPD na mula P120,000 weekly ay ginawang P175,000 ang kanyang weekly payola. Siyempre, para makuha ang target collection nila, manghaharabas ang mga enkargado sa kalye at presto... ang naapektuhan ay ang imahe ng PNP. Araguuyyy! Hak hak hak! Kung sabagay, may mga ilegal ang puntirya ng mga enkargado kaya hindi sila makareklamo. Tumpak!

Kaya lang sagradong bata ni Digong si Danao kaya tiyak hindi niya ikukumpas ang kamay na bakal laban sa bidding. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with