Litrato ng itlog, tinalo ang picture ng celebrities nang magkaroon ng pinakamaraming ‘likes’ sa instagram
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 16, 2019 - 12:00am

WALANG sinabi ang sikat na mga celebrities sa Instagram matapos makuha ng litrato ng isang itlog ang korona para sa pagkakaroon ng pinakamaraming “likes” sa nasabing social media site.

Ang larawan, na pinost online ng account “world_record egg” noong January 4, ay kasalukuyan nang na-like ng higit 22 milyong katao.

Hinihimok ng nag-post sa larawan ng itlog na gawin itong “most-liked” sa Instagram at talunin ang world record na hawak ng celebrity na si Kylie Jenner.

Lubos namang nagtagumpay ang nag-upload sa litrato ng itlog dahil marami pa ang nag-like sa photo kaysa sa kabuuang populasyon ng Beijing at kung bubuo ng siyudad ang mga ito ay magiging ikatlo sila sa pinakamatao sa buong mundo.

Kung madadagdagan pa nga ang mga nag-likes ay hindi malayong mahigitan ng kanilang bilang ang 24 milyong populasyon ng Australia.

Umani ng 18 milyong likes ang larawang ini-upload ni Jenner noong isang taon, na nagpapakita sa kanyang anak na nakahawak sa kanyang daliri.

ITLOG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with