^

Punto Mo

Utol (107)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI nakitaan ni Gemo nang pag-alala si Xander sa binalita niyang pinagtutulung-tulungan si Gerald ng mga siga. Wala siyang nakitang reaksiyon dito. Balewala lang.

Pero hindi tumigil si Gemo sa pakikiusap at pagmamakaawa.

“Parang awa mo na Sir Xander, tulungan mo ang utol mo. Kinukuyog na siya sa bus station. Baka mapatay siya ng mga siga. Siya ang ginantihan dahil sa pambubugbog mo sa kanila!’’

Pero wala talagang ­epekto. Parang walang narinig si Xander. Nakati­ngin lang ito sa kawalan. Wala man lang pagpapakita ng pag-aalala sa kapatid nito. Parang natutuwa pa marahil.

Suko na si Gemo. Talagang ayaw tulungan ni Xander si Gerald.

Ipinasya niya na umalis na at siya na lamang ang tutulong. Bahala na. Kailangan ni Sir Gerald ang tulong.

Nagmamadali siyang tumakbo. Ubod bilis ang ginawa niya. Baka pinagtutulung-tulungan na si Sir Gerald at maatrasado siya nang dating. Kawawa naman si Sir Gerald. Kung alam lang niya na hindi tutulungan ni Xander si Sir Gerald sana ay siya na lang ang tumulong. Kahit paano ay baka may matamaan din siya sa mga siga. Mayroon man lang siyang mapabagsak na isa ay malaking tulong na kay Sir Gerald.

Nang malapit na siya sa bus station, isang kaputol na kahoy ang nakita niya sa may basurahan. Mabilis niyang dinampot. Makinis at matigas ang kahoy.

Binilisan pa niya lalo ang pagtakbo. Malapit na siya sa bus station.

Natanaw niya na may mga nagbabakbakan.

Pero ang pinagtataka niya, bakit may magkatalikod na tila nakikipaglaban sa mga siga. Pawang may hawak na sinturon ang magkatalikod.

Nang lubusang mapalapit, hindi siya makapaniwala sa nakita.

Si Xander at si Gerald ang magkatalikuran!

Paano nangyari iyon? Iniwan niya kanina si Xander sa bahay nito dahil ayaw ngang sumama. Bakit andito na siya?

Hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Ang mag-utol nga ang nakikita niya at nakikipaglaban.

Pumipilantik ang kanilang mga sinturon at bawat tamaan ay parang baso na nababasag sa lakas ng palo.

Pawang mabilis ang da­lawa at sanay na sanay sa labanan.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with