2 Russians, higit 3 minutong nagsayaw sa ilalim ng tubig na hindi humihinga
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 15, 2019 - 12:00am

NAKAPAGTALA ng bagong world record ang magkaparehang sina Marina Kazankova at Dmitriy Malasenko matapos silang magtanghal ng isang underwater dance na tumagal ng 3 minuto at 18 segundo nang hindi umaahon para sila’y makahinga.

Ni-record ang ka­nilang pagsasayaw sa Padova, Italy, at sina­sabing ang kanilang pagtatanghal ang pina­kamatagal sa lahat. Sa pool na kung tawagin ay Y-40 at kinikilala bilang pinakamalalim sa buong mundo.

Noong 2016 sa Bonaire freediving competitions, ay nakapagtala na rin si Marina Kazankova ng world record, matapos sumisid sa lalim ng 154 metro. Kinilala ang world record na ito ng Guinness Book of Records.

Bukod sa pagiging swimmer ay isa ring aktres ang 37-anyos na si Marina Kazankova at lumabas na siya sa higit 15 mga pelikula simula noong 1999. Katulad niya ay isa ring aktor ang 34-an-yos na si Dmitriy Malasenko na taga-Donetsk.

DMITRIY MALASENKO MARINA KAZANKOVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with