^

Punto Mo

Nangangamoy eleksyon!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagsimula na kahapon ang election period para sa isasagawang midterm election sa darating na Mayo.

Kapag pumasok na ang panahong ito, alam ninyo na, umpisa na rin ng mga gimik o pakulo ng mga tatakbong kandidato kahit hindi pa man ito sinisimulan ang  kampanya.

Ang sinimulan ay ang pagpapairal ng gun ban, nangangahulugan ito na bawal ang pagbibitbit ng mga armas at deadly weapon sa labas ng tahanan.

Awtomatikong suspended ang isyung permit to carry firearms outside residencet (PTCFOR) maliban sa mapagkakalooban ng gun ban exemptions.

Kaya nga wag na kayong magtaka kung magiging visible ang mga Comelec checkpoints sa ibat-ibang lugar.

May  mga panuntunan naman na dapat sundin sa mga itinatatag na checkpoints o chockpoints sa mga istratehikong lugar, ayon yan sa Comelec.

Dapat ito ang mabatid ng pubilko at mga motorista.

Dapat umanong itayo ang checkpoints sa maliwanag na lugar, minamando ng mga unipormadong pulis. Dapat malinaw din na nakasulat o nakapaskil ang pangalan at contact number ng election officer in-charge.

Dapat alam din ng mga motorista ang kanilang karapatan. Hindi sila obligado na buksan ang kanilang sasakyan. Dapat masunod ang “plain-view doctrine” sa pagsasagawa ng checkpoint.

Pwedeng tignan, pero hindi pwedeng hawakan.

Yan pa lang ang sinisimulan, wala pa dapat ang kampanya.

Ang campaign period para sa senatorial aspirants ay magsisimula sa Pebrero 12, habang Marso 30 naman ang mga kandidato para sa lokal.

Huwag na kayong magtaka , bagamat hindi pa nga panahon ng kampanya eh marami na kayong nakikitang mga campaign materials ng mga kandidato, siguro naman nasanay na kayo.

Ang Comelec na siguro ang dapat kumilos dito.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with