Utol (104)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

KINABUKASAN, maagang gumising si Ge-rald. Inayos niya sa isang bag ang kanyang ilang pirasong damit. Gusto niyang maagang makarating sa probinsiya para malaman ang lagay ng negosyo. Marami na siyang hindi nadadaluhang meeting dahil sa paghahanap kay Xander at pagkatapos ay ganito pa ang resulta. Napa-hinga siya nang malalim.

Pero mas maaga pa pala sa kanya si Gemo na naki­ta niyang naghahanda na ng kanilang almusal. Maaasahan talaga si Gemo. Sayang nga lang at mapapaaga ang alis niya sa lugar na ito.

“Magandang umaga Sir Gerald. Sandali na lang itong niluluto ko.’’

“Ano ba yang niluluto mo, Gemo?’’

“Fried rice, daing at itlog.’’

“Wow, sarap!’’

“May mainit din na kape. Ipagtimpla kita ng kape Sir?’’

“Ako na lang. Sige ituloy mo ang pagluluto.’’

“Malapit na ito Sir.’’

“Mabuti at maaga kang gumising. Gusto ko, maagang makarating sa amin para makadalo sa meeting ng board ng asucarera. Ilang beses na akong absent. Hindi ko na alam ang kalagayan ng asyen­da. Tabasan pa ng sugarcane ngayon.’’

“Ang laki siguro ng sugarcane plantation n’yo Sir Gerald.’’
“Malaki, Gemo. Sa aming asucarera nakadepende ang Southern Tagalog.’’

“Ang yaman pala talaga ninyo. E di ganyan din kayaman si Sir Xander?’’

“Oo. Sabi ni Papa, parehas ang magiging mana namin at bago siya namatay, naiayos na yun ng kanyang abogado.’’

“Ang suwerte ni Sir   Xander! Kailangan talaga malaman niya ito!’’

“Kapag naihatid mo na ako sa bus station mamaya, saka mo puntahan si Xander at sabihin kung gaano siya kayaman.’’

“Opo Sir. Kailangang malaman niya ito. Tingnan ko lang magmatigas pa siya!”

“Sabihin mo sa kanya na maski habambuhay na siyang magparelaks-relaks, okey lang. Buhay na buhay na siya!’’

“Sige Sir.’’

Pagkatapos kumain, naghanda na si Gerald sa pag-alis.

“Ihatid mo na ako sa bus station, Gemo.’’

Maraming tao sa bus station. Kakaunti ang bus.

Umalis na rin agad si Gemo.

Habang naghihintay si Gerald ng bus sa station, napansin niya ang apat na siga na nakalaban nila nun.

Kinutuban si Gerald. Mukhang reresbakan siya!

(Itutuloy)

UTOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with