Peligro sa libreng wi-fi
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

MARAMING lugar ngayon ang nag-aalok ng libreng wi-fi. Meron na niyan sa mga hotel, restawran, shopping malls, public park, eskuwelahan, pampublikong sasakyan, maging sa mga sari-sari store at iba pa. Kung tutuusin, may mga ganitong wi-fi spot na hindi mo naman basta magagamit dahil password protected siya. Kailangan mo munang hingin ang password sa mga nangangasiwa ng kinauukulang establisimento. Meron namang awtomatikong konektado agad sa internet ang iyong wi-fi kapag pumasok ka sa naturang mga wi-fi spot na libre at hindi na kailangang itanong ang password pero mabagal naman dahil marahil sa sobrang dami ng gumagamit o kaya ay mabagal lang talaga ang wi-fi connection niya.

Pero ligtas ba laban sa mga cybercriminal ang mga nagbubukas ng internet sa kanilang smartphone, laptop at iba pang gadget sa pamamagitan ng wi-fi sa naturang mga lugar? Ito ang usapin na hindi malinaw. Dahil nga libre, mas malamang hindi namamalayan ng sino mang gumagamit  na nasisilip at nananakaw na ng mga hacker/spammer ang kanilang password, private data at iba pa. Ito rin siguro ang dapat isaalang-alang ng pamahalaan sa plano nitong pagkakabit ng libreng wi-fi sa mga pampublikong lugar. Sayang naman kung libre nga pero delikado para sa mga gagamit.

Sa isang panayam ng mga reporter sa Qatar, isang senior official ng isang Doha-based IT services and consultancy firm ang nagbunyag na ang mga bukas na wi-fi facilities sa mga pampublikong lugar tulad ng mga café, restawran at malls ay nagiging bagong trend sa mga cybercriminal sa pagnanakaw ng mga data at paninira sa information security system.

Ayon kay Cezary Murawski, general manager ng Remah IT & Advanced Electronics, sa mabilis na pag-unlad ng mga teknolohiya, nagbabago rin ang modus operandi ng mga attacker. Maaaring mangyari kahit saan ang security breach kaya ipinapayo niya na, kung nais mong maprotektahan ang iyong data, iwasang kumonekta sa open wi-fi network dahil marami umanong open at anonymous wi-fi ang idinisenyo para sa fishing data.

WI-FI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with