Sa Egypt, noong unang panahon…
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

(Part I)

Kapag malangaw, nilalagyan ng honey ang katawan ng mga alipin upang ang langaw ay sa kanila lumapit at hindi sa Pharao.

Ang benda na ginagamit sa isang mummy ay umaabot sa isang milya o 1.6 kilometro ang haba.

Ang beer ay pang-araw araw na inumin ng ancient Egyptian dahil ito ay source ng nutrition na kailangan ng kanilang katawan.

Ang magulang ni Cleopatra ay magkapatid. Siya naman ay nagpakasal sa kanyang dalawang kapatid na lalaki sa magkahiwalay na pagkakataon.

Ang beer ay napakaimportanteng commodity sa ancient Egyptians dahil puwede itong gamitin bilang currency.

Ang mga babae at lalaki ay parehong nagme-make up dahil hindi lang ito pampaganda kundi bilang sunscreen.

Hindi lang tao ang mina-mummified kundi mga alagang pusa.

Bagama’t ipinanganak sa Egypt si Cleopatra at naging pinuno ng Kingdom of Egypt, siya ay hindi Egyptian kundi isang Greek Macedonian. Ang ninuno niya ay isa sa mga lieutenant ni Alexander the Great, pinuno ng Greek Kingdom ng Macedon.

Noon pa man ay tinatrato na nang magkapantay ang mga babae at lalaki sa mata ng batas. Ibig sabihin, ang mga kababaihan ay may karapatang maghanapbuhay, magkaroon ng ari-arian, tumanggap ng mana, makipagdiborsiyo at muling magpakasal.

Ang mummies na isanlibong taon na ang edad ay giniling ng Renaissance artists at ginawang special shade ng pintura at tinawag na “mummy brown”.

EGYPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with