EDITORYAL - Bawal na namang uminom sa publiko ang pulis at sundalo
(Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

NGAYON lang nalaman ni President Duterte na umiinom sa publiko ang mga pulis at sundalo. Matagal nang ginagawa ito, Mr. President. Ito ang dahilan kaya mayroong mga nagbabarilan sa loob ng KTV bar, beerhouse o kahit sa simpleng inuman sa kanto o sari-sari store. Nagkakapikunan ang mga nag-iinuman na mga pulis at sundalo pa. Dahilan para magbarilan.

Dahil dito, iniutos ng Presidente na arestuhin ang mga pulis at sundalo na uminom ng alak sa publiko. Ayon sa kanya, kapag nalasing ang mga ito ay magugulo at nagbabarilan. Meron pa raw nag-aagawan sa mikropono kapag nagka-karaoke. Hindi raw maiiwasan ang pagkakagulo kapag nag-inuman sa pampublikong lugar kaya pinag-utos niyang ipagbawal ito.

Kakatwa ang utos na ito ng Presidente. Matagal nang ipinagbabawal sa mga miyembro ng pulis at military ang pag-inom sa mga pampublikong lugar kaya dapat pa bang ulit-ulitin ito. Isa pa, alam naman ng pulis at sundalo na ang kanilang propesyon ay tagapagtupad ng batas kaya alam nila sa simula pa na ang pag-inom sa publiko ay bawal. Kailangan pa bang ulitin ito?

Pagkaraang ipag-utos ni Duterte na bawal uminom sa publiko ang pulis at sundalo, agad gumawa ng guidelines ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para ipatupad ang kautusan ng Presidente. Ibig sabihin, maski ang pamunuan ng PNP at AFP ay wala ring alam ukol dito sapagkat kailangan pa nilang gumawa ng tuntunin kung paano ipasusunod sa kanilang tauhan. Posibleng alam nila ito pero nagkukunwari silang hindi alam. At maaa-ring guilty sapagkat maaaring umiinom sila mismo sa publiko.

Paulit-ulit na lang ang ganitong pag-uutos sa mga taong gobyerno. Kamakailan lang pinag-utos ni Duterte na huwag magka-casino ang mga taong gobyerno. Pero paano pa malalaman kung naglalaro ay taong gobyerno. Maliban na lang kung ang opisyal ay kilalang-kilala gaya ng opisyal ng LTO noon na na-videohang naglalaro sa casino. Nagbitiw ang LTO official dahil sa pressure.

Bawal uminom at magsugal, hindi lang ang mga pulis at sundalo kundi pati mga opisyal ng gobyerno. Sa panibagong utos na namang ito, meron kayang maparusahan o balewala lang. Sa umpisa lang maghihigpit at sa susunod, luwag na naman!

SUNDALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with