Problema sa basura lumalala!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 11, 2019 - 12:00am

Tone-toneladang basura ang naiwan sa kalsada matapos ang 21 oras na Traslacion.

Ayon nga sa mga opisyal ng Dept. of Public Service ng Manila nasa 80 trak ang nahakot.

Mas doble o tripleng pagtaas ito kumpara umano sa nahakot na basura noong nakaraang taon.

Bukod pa umano sa mga nasirang halaman na karamihan ay nakatanim sa center island.

Tulad ng dati sangkaterbang mga plastic at styrofoam ang nahakot .

May Traslacion man o wala, talagang malaki na ang problema ng bansa sa basura, dahil sa kawalan ng disiplina ng marami.

Yan nga lang Manila Bay, sangkaterbang basura na ang naglulutangan, dati malinaw ang tubig naging itim dahil hindi naalagaan at ginawang tapunan.

Maging ang mga creek at ilog sa maraming lugar sa bansa, barado na dahil sa basura, kaya konting ulan lang baha dahil umaapaw.

Dapat na itong matignan nang husto ng mga kinauukulan, bago pa tuluyang lumala ang problema.

Marahil dapat na ring magkaroon ng matapang batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga walang pakundangang nagtatapon ng basura.

Dapat talagang may masampolan para magtanda.            

Hindi lang talaga napapansin, pero matindi na talaga ang problema sa basura, bukod pa dito ang mga dinadalang basura ng ibang bansa na mistulang ginawang landfill ang Pinas.

Tila walang talab sa marami ang kasabihang, ‘basurang itinapon mo babalik sa yo’.

TRASLACION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with