11-anyos na bata sa Minnesota, sinagip ang 34-anyos na lalaki sa pagkakalunod
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 7, 2019 - 12:00am

ISANG 11-anyos na batang lalaki ang itinuturing ngayong isang bayani matapos niyang iligtas ang isang 34-anyos na lalaki mula sa pagkakalunod.

Nasa may swimming pool ng kanilang apartment complex si Advaik Nandikotkur nang mapansin niyang hindi na muling lumitaw sa ibabaw ng tubig ang 34-anyos na lalaki matapos itong sumisid pailalim.

Nang oras na iyon ay walang ibang tao sa may swimming pool bukod kay Nandikotkur, na hindi nagdalawang isip na tumalon sa tubig at sagipin ang lalaki.

Kahit pa nasa 100 pounds ang lamang ng timbang ng lalaki kay Nandikotkur ay nagawa pa rin ng bata na hilahin ito papunta sa gilid ng swimming pool kung saan binigyan siya ng paunang  lunas.

Bagama’t itinakbo sa ospital ay nakalabas din ang lala-ki matapos lamang ang ilang oras.

Kaya naman masasabing sulit ang mga swimming lessons na kinuha ni Nandikotkur simula noong 2015 nang lumipat ang kanyang pamilya sa Minnesota mula India.

ADVAIK NANDIKOTKUR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with