^

Tamang charging ng smartphone

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - January 6, 2019 - 12:00am

SA website ng Quora Digest, isang scientist, Li-on tech inventor at startup founder na si Charudatta Galande ang nagpaliwanag hinggil sa wastong pagcha-charge ng smartphone. Sinasagot niya ang tanong kung nakakasira ba sa baterya ng smartphone ang lagi itong nakasaksak nang napakatagal sa isang electrical outlet kahit full charge na ito.

Sabi ni Galande, hindi naman nag-o-overcharge ang smartphone kung lagi itong nakasaksak sa electrical outlet dahil naiiwasan ang overcharging sa pamamagitan ng  protection circuit ng telepono. Pero, sabi niya, nakakasama sa kalusugan ng baterya na hayaang nasa 100% state of charge (SOC) ang smarthone sa napakatagal na panahon o maraming oras. Ibig sabihin, tanggalin na sa electrical outlet ang saksakan ng chargeer kung nasa 100% na ito. Huwag hayaaang nakababad ito nang sobrang tagal sa saksakan.

Paliwanag pa niya, sa 100% SOC, ang positive at negative electrode material (cathode at anode) sa baterya ay nasa very high at very low electrochemical potentials at ganitong potential ay nararanasan din ng electrolyte (ang liquid at lithium salt na tumutulong sa lithium ions na kumilos sa pagitan ng mga electrode).  Masisira ang mga material na ito kung sobrang tagal na nasa high at low potential ito na dahilan para masira rin ang kapasidad ng baterya.  Ibig sabihin, kahit ipinakikita sa smartphone na nasa 100% na ang baterya nito, nababawasan naman ang naiimbak na enerhiya (watt-hour) nito sa matagal na panahon. Ito anya ang dahilan kaya ang lahat ng mga bagong gawang baterya at devices ay ipinapadala nang nasa 40-50%  SOC. Kaya kapag bumibili ka ng bagong smartphone, mapapansin na hindi ito naka-fully charged kapag binuksan.

Sa pangkalahatan anya, nagkakaroon ng negatibong epekto sa kapasidad ng baterya ang  pagsasagawa ng full charge-discharge regularly. Inirerekomenda na minsanan lang  isagawa ang full-charging na 100% para matulungana ng telepono na i-recalibrate ang “0%” at “100” points ng baterya. Ito ay para matiyak na hindi magrereport ng maling value ang smartphone na magiging dahilan para bigla itong mamatay.

SMARTPHONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with