^

Punto Mo

Batocabe slay, lutas na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagkaroon na ng major breakthrough sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pagpaslang kay AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, makaraang tukuyin ng PNP ang utak sa krimen at pagkaaresto pa sa dalawa sa pito pang suspects.

Kinokonsiderang lutas na, pero hindi pa sarado ang kaso, ‘yan ang pahayag ni PNP chief Oscar Albayalde.

Ito ay dahil sa may mga tutugisin pang ibang suspect.

Malaking bagay sa pagkalutas ng kaso sa kooperasyon ng lokal na komunidad na nagbigay ng mga mahahalagang impormasyon.

Natukoy na utak sa krimen si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Siyempre, pulitika ang lutang na lutang na motibo sa krimen na plinano matapos na mag-anunsyo nang pagtakbo sa pagka-alkalde si Batocabe sa nasabing bayan noong nakalipas na Agosto.

Ang mga suspects, pawang empleyado at mga confidential umano sa tanggapan ng alkalde.

Nakatakda nang sampahan ng kasong murder si Mayor Baldo at pitong iba pa.

Kahapon naglabas din ng pahayag si Mayor Baldo, at itinatanggi na may kinalaman siya sa krimen kasabay nang pagsasabing handa niyang harapin ang isasampang kaso.

Umaabot sa P50-milyon ang nailabas na reward sa sinumang magbibigay impormasyon sa mga suspects sa pagkapatay kay Batocabe, hindi naman malaman kung may mabibigyan ba nito ngayong nagkalinaw na ang kaso.

‘Wait and see’ muna tayo hanggang sa tuluyang maisara ang kaso.

Isa lang ito sa insidenteng nagpapakita na posibleng maging mainit ang isasagawang midterm election sa Mayo.

Ito ay dahil na rin sa ilang pulitiko pa rin ang nagtataglay ng mga private armies na dapat lang talagang matutukan ng kapulisan upang maiwasan ang madugong halalan.

vuukle comment

RODEL BATOCABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with