^

Punto Mo

Nangonti ang mga pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Good news!

Nasa 68 percent ang ibinaba ng mga naging biktima ng paputok sa pagsalubong sa taong 2019. Wala ring naiulat na nasawi.

Sa mga naging biktima, makikita rin na hindi naging grabe ang tinaglay nilang injuries, bagamat naging pasaway pa rin ang mga ito kumonti na sila sa bilang.

Isa sa nakikitang dahilan dito ay ang matinding pag-ulan na naranasan sa malaking bahagi ng bansa na dinulot naman ng bagyong Usman na itinuring na isa sa mapaminsalang bagyo sa taong 2018.

Pero isa pa sa sinasabing dahilan nito, ay ang kautusan ni Pangulong Digong na sinimulan noong 2017 na naglilimita sa paggamit ng firecrackers sa mga designated area.

Malaki ang paniwala ng mga kinauukulan na darating ang panahon na makakamit ang total ban sa paputok, kaya makakamit na rin ang ‘zero injuries’ tuwing sasapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Pero malamang nakatulong rin ang walang tigil na babala ng mga health officials at maging ng media para makaiwas sa pinsala ng paputok.

Eto pa, hindi lang ang bilang ng mga nasugatan sa paputok ang lubhang bumaba, pati rin ang insidente ng sunog noong New Year’s Eve ay  bumaba ng nasa 79 percent.

Pitong insidente lang ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection ( BFP), anim ay naganap sa Metro Manila at isa sa probinsya.

Wala kahit isa sa mga ito ay hindi dahil sa paputok.

Kung sabagay kasi nga bumaba ang bilang ng mga nagpaputok, kaya malaki talaga ang tiyansa na makaiwas sa sunog.

Sa kabuuan naging mapayapa ang isinagawang pagsalubong sa 2019 , ayon sa PNP na masasabing mukhang maganda ang simula sa taong ito.

Muli Maligayang Bagong Taon sa lahat!

vuukle comment

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with