^

Punto Mo

Dredging sa Sta. Rita river sa Olongapo City, inangalan!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAIS ng mga residente ng Bgy. Kalaklan, Olongapo City na silipin ni Environment Sec. Roy Cimatu ang illegal extraction at exportation ng buhangin sa Sta. Rita river sa kanilang lugar.

Sa kanilang sulat kay Cimatu noong Disyembre 23, inakusahan ng mga residente ang Great River Valley Philippines Inc, at ang kanilang kasosyong Singaporean company ng pagnanakaw ng buhangin sa ilog.

Naniniwala kasi ang mga residente na napaikutan ng Great Valley River ang kanilang kontrata sa Department of Public Works and Highways dahil imbes na i-dispose ang mga unsuitable materials na nahukay nila, aba napa-export o nakarating pa ito sa Hong Kong.

Sa totoo lang, puwedeng kasuhan ang Great River Valley ng theft of minerals sa ilalim ng Republic Act No. 7942, ayon sa mga residente sa kanilang sulat kay Cimatu. Araguuyyy! Kaya si Cimatu ang nilapitan ng mga residente dahil sobra ang tiwala nila rito dahil sa paglilinis nito ng Boracay. Kaya nararapat lang na sadyain ni Cimatu ang Bgy.

Kalaklan sa Olongapo at dinggin ang mga hinaing ng mga residente, bago niya umpisahan ang paglilinis ng Manila Bay, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kay Cimatu, lutas ang problema kapag tungkol ito sa environment. Tumpak!

Sinabi ng mga residente sa kanilang sulat na ang Great River Valley ang nakakuha ng kontrata sa DPWH para mag-dredge at ma-desilt ang bukana ng Sta. Rita river ng 729,893 cubic meters ng silt at unsuitable materials sa halagang P54,741,975.

Sinimulan naman ng Great River Valley ang kanilang trabaho noong first week ng Disyembre at na-monitor pa ng mga residente ang paglisan ng barkong Conti Peridot noong Disyembre 16. Siyempre, sa pag-alis ng Conti Peridot may pumalit na pangalawang barko at patuloy pa ang trabaho ng Great River Valley hanggang sa ngayon. Hehehe!

Maaabutan pa pala sila ni Cimatu dun ano mga kosa? Ipinaliwanag ng mga residente na sa ilalim ng dredging at desilting contract ng DPWH, ang mga awarded contractors na binayaran ng public funds ay magsagawa ng trabaho bilang flood control purposes at protektahan ang public infrastructures.

Dapat isantabi ang mga nakuhang silt at unsuitable materials subalit hindi ito dapat i-export, anila. Kaya lang sa kaso nitong Great River Valley, aba kinakarga ang silt at unsuitable material sa isang malaking bulk-cargo foreign vessel na Conti Peridot at na-monitor pa ito ng dumaong at nagdiskarga sa Hong Kong dahil sa ibinenta sa isang Singaporean company. Araguuyyy!

Hala, lipad na sa Bgy. Kalaklan sa Olongapo City Sec. Cimatu Sir, para malaman ang problema ng mga residente nang sa gayon maaksiyunan mo at makatulog na sila nang mahimbing sa pagpasok ng Bagong Taon! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Iginigiit kasi ng mga residente na hindi dapat ibinenta ng Great River Valley ang nakuhang silt at unsuitable materials sa ilalim ng DPWH contract dahil sa wala silang commercial sand permit mula sa DENR. Hindi lang ‘yan! Ang Great Valley ay kumikita sa DPWH contract nang materyales na pag-aari ng bansa. Abangan!

vuukle comment

ROY CIMATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with