^

Punto Mo

May martial law sa Metro Manila?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI dapat mabahala o matakot ang publiko sa Metro Manila kapag mapansin nila ang sandamakmak na unipormadong pulis sa lansangan ngayong bisperas ng New Year. Sa totoo lang, hindi naman ito senyales ng kinakatakutang martial law, kundi kasama sa programa ni NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar para maiwasan ang indiscriminate firing at firecracker injuries sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Halos 10,000 pulis kasi ang ikakalat ni Eleazar sa Metro Manila mga kosa para hulihin ang mga ahente ng gobyerno o sibilyan na magpapaputok ng kanilang baril sa kasagsagan ng pagpasok ng New Year. ‘Ika nga, kapag na-maximize ang police visi­bility, naniniwala si Eleazar na magdalawang isip ang sinuman bago nila iputok ang kanilang baril dahil tiyak huli sila at sa kulungan sila mag-New Year imbes na sa piling ng kanilang mga pamilya. Araguuyyy!

Hindi lang ‘yan! Ang mga pulis sa NCRPO mga kosa ay manghuhuli rin ng sinumang nagbebenta o gumagamit ng banned firecrackers. Seryoso si Eleazar na habulin itong mga lumalabag sa batas sa pagpasok ng Bagong Taon kaya minabuti niyang punuin ng pulis ang mga lansangan sa Metro Manila para maiwasan ang stray bullet incidents at maibaba ang bilang ng firecracker injuries. Hak hak hak! Kaya mga kosa, mag-ingay na lang tayo gamit ang mga kaldero, torotot at iba pa para maiwasan nating makalaboso sa Bagong Taon. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ni Eleazar na ang mga pulis ay i-deploy sa mga strategic na lugar sa Metro Manila, lalo na dun sa may kaso ng indiscriminate firing sa mga nakalipas na New Year revelry. Ang gagawin lang ng publiko ay ireport sa pinakamalapit na police station ang kaso ng indiscriminate firing at ipapasa ito sa mga nagpapatrulyang pulis dun mismo sa lugar.

Maging ang umpukan o inuman na may nakasukbit na baril sa baywang ay gusto ring hulihin ni Eleazar bago makapagpaputok ang mga ito. Araguuyyy! May kautusan pa si Eleazar na habulin ang lahat ng sangkot sa indiscriminate firing kahit pumasok pa sila at magtago sa loob mismo ng kanilang mga bahay kahit walang warrant.

Aba, aba...talagang dead serious si Eleazar na sugpuin ang indiscriminate firing kaya’t kayo d’yan mga kosa, iwas pusoy muna tayo ha? Hindi maganda na sa kulungan mag-Bagong Taon at tiyak sira ang diskarte mo sa buong 2019. Hak hak hak! Uulitin ko. Walang martial law sa Metro Manila, ha mga kosa!

Siyempre, ang panalangin ng Supalpal ay maging mapayapa ang pagselebra ng Bagong Taon, hindi lang sa Metro Manila, kundi sa lahat ng bahagi ng mundo. Kung sabagay, pababa na ang bilang ng stray bullet incidents at firecracker blast victims nitong nagdaang mga taon subalit mukhang kailangan pa ng kamay na bakal nina PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at Eleazar para matuto tayong mga Pinoy. Kaya’t sobrang ingat tayo mga kosa sa ating New Year revelry para hindi tayo mapasama sa listahan ng mga casualty. Abangan!

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with