Ama, nag-book ng 6 na flights upang may kasama sa pasko ang anak na flight attendant
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 30, 2018 - 12:00am

ISANG ama sa United States ang nakaisip ng paraan upang hindi mag-Pasko nang mag-isa ang kanyang anak na babae na on duty noong December 24 at 25 bilang flight attendant ng Delta Airlines.

 

Hindi hinayaan ni Hal Vaughan na mag-isang magpa-Pasko ang kanyang anak na si Pierce sa pamamagitan ng pagbu-book sa bawat flight na magsisilbing flight attendant ang kanyang anak na si Pierce.

Kumalat ang ginawa ni Vaughan sa social media matapos itong i-share sa Facebook ni Mike Levy, isa sa kanyang mga nakatabing pasahero. Nag-post si Levy ng selfie kasama si Vaughan habang sila ay nakaupo sa first class, at ng picture ni Pierce habang sila ay nakasakay sa flight mula Fort Myers, Florida papuntang Detroit, Michigan noong bisperas ng Pasko.

Mabilis na nag-viral ang kuwento ng mag-amang Hal at Pierce, na ngayo’y nasa higit 130,000 na ang likes.

Nag-post din si Pierce ukol sa ginawa ng kanyang ama at sinabing “Dad’s first trip using his benefits was a success!”

Nagawa kasi ng kanyang ama na mag-book ng anim na flights dahil libre o discounted ang tickets para sa mga kapamilya ng flight attendants ng airline.

DELTA AIRLINES HAL VAUGHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with