^

Punto Mo

Pang-aabuso ng mag-amang Garin, ‘di pinalampas ng PNP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan, isa na namang kongresista kasama ang amang mayor ang nasa balag ng alanganin dahil sa insidente nang pananapak at pandudura sa isang naka-unipormeng pulis sa Iloilo noong Miyerkules.

Sa kabila nang pagso-sorry ng sangkot na solon na si Iloilo 1st District Richard Garin tungkol sa insidente hindi natibag ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP), tuloy ang paghaharap nila ng kaso rito kasama ang ama nitong si Guimbal Mayor  Oscar Garin.

Malaking kalapastangan sa integridad ng kapulisan ang ginawa ng mag-ama sa isang imbestigador na sa kabila nang nakasuot ng uniporme at bugbugin, duraan at laitin at upakan sa mataong plaza.

Masasabing sumobra talaga ang mag-amang Garin dito, ang pandudura ay isa sa matinding kalapastanganan sa kapwa. Ito ay lubhang nakapagpapababa   sa kanyang pagkatao.

Kahit pa sabihin ng mag-amang Garin o sabihin na   may ipinupunto sila, maling-mali na laitin, bugbugin at duruan mo ang iyong kapwa.

Isa na naman ito sa pangyayari nang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga halal sa gobyerno.

Katwiran pa ng PNP, hindi lang ang sinaktan  imbestigador ang hinamak ng mag-ama kundi ang kabuuan ng hanay.

Marami rin palang pulis sa Guimbal ang nagpapalipat dahil daw sa kasungitan ng Mayor na si Garin.

Matapos ang insidente ng pananapak,  mukhang gusto na ring magpalipat ng assignment ang mga nakadestino doong mga pulis.

Patay kang bata ka! Paano na ang bayan ng Guimbal baka mag-alisan lahat ang law enforcement dito apektado ang peace and order dahil sa asak ng alkalde ninyo.

Labing-isang kaso ang iniharap laban sa mag-amang Garin kahit nagsori na ang mambabatas.

Noon lamang Setyembre 29, nasangkot din si Party-list Rep Aniceto Bertiz III sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na tumanggi ang mambabatas na hubarin ang kanyang sapatos na isa sa security measure na ipinatutupad sa paliparan. Kinompronta nito ang airport screener na hinablutan pa nya ng ID.

Ilan lang ito sa pang-aabuso sa kapangyarihan at hawak na posisyon ng ilang public officials.

vuukle comment

PANG-AABUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with