^

Punto Mo

Zero stray bullet incident, target ng PNP sa New Year!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NANANAWAGAN si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa lahat ng responsible gun owners na ‘wag na magpaputok ng kanilang baril sa pagselebra ng New Year para maiwasan ang stray bullet incidents. Sa totoo lang, bumababa na ang bilang ng stray bullet victims sa nakalipas na mga taon mga kosa subalit nais ni Albayalde na magiging zero incident ito sa pagpasok ng 2019. At para matupad ang kanilang adhikain, nais ni Albayalde na itago muna ng lahat ng gun owners ang kanilang mga baril habang nasa kasagsagan ng pagdiriwang ng New Year. May kasabihan kasi tayo na, “What goes up, come down,” ani Albayalde, kaya ang mga bala na pinaputok sa itaas ay mas lalong malakas ang velocity nito pagbaba at kahit sa loob ka na ng bahay ay tatagos ito. Kaya’t hindi ligtas ang sambayanan sa kaso ng stray bullet dahil, “To whom in may concern,” na ito pagbaba sa lupa, ‘di ba mga kosa? Araguuyyy! Sa ngayon, puspusan ang kampanya ng PNP na i-account ang lahat ng loose firearms sa bansa hindi para maibsan ang indiscriminate firing, kundi bilang paghahanda na rin sa darating na May elections. Hak hak hak! Nauna na si NPD director Chief Supt. Rolando Anduyan dahil naka-account na s’ya ng 133 firearms, ‘di ba mga kosa? Tumpak!

At para maibsan din ang bilang ng casualty sa firecrackers, iniutos ni Albayalde sa kanyang mga regional, district, provincial at city directors ang malawakang kampanya laban sa illegal firecrackers. Ayon kasi Sa MO No. 31 na pinirmahan ni President Digong noong Oct. 29, para bigyan ng pangil ang PNP at ang iba pang law enforcement agencies na siguruhin na ang mga manufacturers, distributors, retailers at users ng firecrackers at pyrotechnics ay sumusunod sa alituntunin, batas at regulasyon kundi’y ang kanilang mga permits ay ma revoke o ma-cancel. Kaya’t iginiit ni Albayalde sa kanyang direktiba na walang sisinuhin ang PNP sa pagpatupad ng MO 31 ni Digong para magiging mapayapa ang pagselebra nang pagpasok ng 2019. Hinikayat ni Albayalde ang sambayanan na gumamit ng makalumang pamamaraan para salubungin ang 2019 at ‘wag ng gumamit nang malalakas na paputok na kadalasan ay nauwi pa sa trahedya. Kung sabagay, makikita naman sa ads ng Department of Health (DOH) ang mga biktima ng paputok na naputulan ng daliri at iba pang bahagi ng katawan dahil sa firecracker blast tuwing New Year revelry, di ba mga kosa? Araguuyyy! Kaya gumamit na lang ng kaldero, torotot at iba pang lumang gamit para mag-ingay mga kosa para maiwasang masama kayo sa figure ng firecracker injury sa 2019. Hehehe! Imbes kasi na magsaya baka sa ospital ang bagsak n’yo! Araguuyyy!

Teka nga pala! Kasama pala sa MO 31 ni Pres. Digong ang pagbawal sa mga retailers ang pagbenta ng malalakas na firecrackers sa mga batang below 18 years-old, lalo na ang piccolo, na siyang nasa unahan ng listahan ng casualty sa nakaraang New Year celebration. O hayan, mga kosa, tandaan ang mga tagubilin ni Albayalde para hindi kayo makasama sa listahan ng mga casualty sa pagasok ng Bagong Taon. Hak hak hak! Iwas putol daliri tayo mga kosa! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with