^

Punto Mo

‘Wag pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi pa man sumasapit ang pagsalubong sa Bagong Taon, ilan na ang naitatalang nasugatan dahil sa paputok.

Hindi pa man sumasapit ang pagdiriwang sa New Year, may ilan ding naitalang indiscriminate firing.

Bagama’t hanggang noong Kapaskuhan, kumpara sa ganoon ding panahon ng nakalipas na taon, sinasabing malaki ang ­ibinaba ng bilang ng mga naging biktima ng paputok kumpara sa ganoon ding panahon sa taong ito.

Simula lamang noong Disyembre 21 hanggang kahapon, umaabot sa 13 katao o ang naitalang nagtamo ng injuries dahil sa paputok, base sa tala ng Department of Health (DOH). Tulad ng dati karamihan siyempre mga lalaki, ang edad nasa dalawa hanggang 28 -anyos

Pero talagang malaki ang ibinaba, nasa 60 porsiyento ang ibinaba sa bilang ng mga naputukan mula Disyembre 21 hanggang 25 kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Marami na ang natuto at nadala, pero marami pa rin ang ayaw paawat.

Isa pa sa inaagapan at binabantayan eh, ang walang habas na pagpapaputok ng baril ng ilang pasaway na posible pang mandamay.

Sa ngayon may ilan na rin na naitatala sa walang kapararakang pagpapaputok ng baril, ‘di lalu pa sa mismong pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang dapat mabantayan ng mga awtoridad, sa mga gun holder naman sana ay maging responsable na ‘wag nang manggalaiti na kalabitin ang gatilyo para lang magyabang.

Laging isipin ang pwedeng madamay, masugatan at ang pinakamasakit ay may magbuwis ng buhay.

Sa kabuuan naman, ayon sa ulat ng PNP, naging mapayapa ang ginawang pagdiriwang sa kapaskuhan at ganito rin ang inaasahan sa pagdiriwang sa New Year.

Sikapin ng lahat na maging ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.

vuukle comment

BAGONG TAON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with