^

Punto Mo

‘Bugbog o dignidad’!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi maka-move on sa naganap na viral video ng bullying sa loob ng comfort room ng Ateneo.

Kung saan nga isang Junior  High School student ang binully at sinaktan ng kapwa niya  estudyante.

Yun nga isang Fil-Canadian dahil marahil sa  galit at inis, eh talagang hinamon na ang tatay ng bully.

Sino nga bang magulang ang nakapanood ng video ang hindi mag-aapoy sa galit lalo’t iniisip nila ang kanilang mga anak na anumang oras eh, pwede rin palang maging biktima ng ganong uri at matinding pambu-bully.

Ang matindi pa rito, hindi lang pala ito ang unang pagkakataon na isinagawa nito ang pambu-bully.

May nauna na palang halos ganitong pangyayari.

Hindi rin maubos maisip ng marami na sa murang edad, namumutawi sa bibig ng bata na gamit sa pambu-bully ang mga salitang ‘bugbog o dignidad’.

Aba’y dapat ding alamin kung kanino nya ito natutunan, may ginagaya ba sya o anuman.

Hindi lang sa bansa, nag-trending ang mga reaksyon at komento ukol dito kundi maging sa iba na ring bansa.

Ang tanong nga ng marami, bakit hindi mahinto ang ganitong insidente lalo na sa loob ng paaralan kung saan umaasa ang maraming  mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak, yun pala ay doon pa minsan napapahamak.

Baka dapat pang rebyuhin na naman ang batas sa anti-bullying para ito katakutan ng mga bully.

Kailangan pa bang palawakin pa ang saklaw nang mapaparusahan , bago ito tuluyang mapigilan.

Umantabay ang marami sa magugung aksyon ng eskuwelahan  na posibleng magpahupa sa kanilang galit sa insidente.

Sa pinakahuli ulat nga kahapon sa pamamagitan ng isang memo na ipinalabas ng pangasiwaan ng iskul tuluyan nang pinatalsik sa paaralan ang sangkot na mag- aaral bagamat patuloy pa rin umano ang kanilang imbestigasyon sa ganitong uri ng mga pangyayari.

vuukle comment

BULLYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with