^

Punto Mo

PITX, pahirap sa mga biyahero!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IMBES na makatulong para guminhawa ang buhay ng mga trabahador at biyahero mula sa Southern Luzon, aba lumalabas pang pahirap sa kanila ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Gumastos ng P3.5 bilyon ang gobyerno para ipatayo ang PITX subalit habang sinusulat ito, nilalangaw ito na ikalulugi ng kompanya na gumawa nito. Kaya itinayo ang PITX ay para lumuwag ang trapiko sa Metro Manila. Subalit habang lumilipas ang mga araw mula nang buksan ito ni President Digong, aba hindi ito napakinabangan ng mga workers at biyahero. Ano ba ‘yan? Ang sinisisi ng mga bus operators kung bakit hindi nila tinatangkilik ang PITX ay dahil sa magkaibang circular na ipinalabas ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagbigay kalituhan lang sa mga workers at mga biyahero. Kaya tama lang ang pagbabanta ni Sen. Grace Poe na sampahan ng kaso ang mga opisyales ng DOTr kapag hindi nila naayos ang sigalot dulot ng magkaibang circular nila ng LTFRB. Araguuyyy! Hak hak hak! Ang lugi sa magkaibang circular ng DOTr at LTFRB ay ang mga maliliit na bus operators, ‘di ba mga kosa? At hindi magiging magandang halimbawa ito para sa mga negosyante na pasukin ang naturang negosyo. Tumpak!

Noong 2015, iginawad ng gobyerno sa Megawide ang isang Build-Transfer Operate (BOT) concession itong PITX sa loob ng 35 taon bilang solusyon sa lumalalang trapiko sa Metro Manila. Subalit, imbes na magbigay ginhawa sa mga biyahero, aba kalituhan ang naging resulta nito. Noong Sept. 13, 2018 kasi, ay nag-isyu ang LTFRB ng Memorandum Circular 2018-020 kung saan ang lahat ng pampublikong bus mula Timog Luzon ay dapat tumigil at tapusin ang kanilang biyahe sa PITX kung saan babagtas sila ng Coastal Road at Cavite Expressway. Ang MC ay inilabas ng LTFRB matapos ang ilang buwang pag-uusap sa nga Cavite-Batangas bus operators. Subalit ilang linggo, bago opisyal na buksan ang PITX, naglabas naman ng Department Order ang DOTr (DO) No. 2018-025 at binago ang inilabas na MC ng LTFRB. Isinasaad naman sa DOTr order na ang aabot sa 300 na malalaking kompanya ng bus sa Timog Luzon ay ‘wag tumigil sa PITX at imbes ay ipagpatuloy ang kanilang biyahe papasok ng Metro Manila, hanggang Lawton, Pasay, Baclaran, Ayala at EDSA. Araguuyyy! Hak hak hak! Parang hindi nag-uusap itong mga opisyales ng LTFRB at DOTr ah! May kumikita kaya sa sistemang ito? Dapat malaman ito ni President Digong.

Dahil sa magkaibang order, pinababa ang mga biyahero mula sa Cavite at Batangas sa PITX kung saan wala naman silang masakyan para makarating sa kanilang mga destinasyon dahil wala namang pampublikong sasakyan na nakaabang doon. Ayon naman kay Alan Tanjusay ng ALU-TUCP, lumalabas na naging pabigat, dagdag hirap, at gastos para sa manggagawang nagco-commute papunta sa kanilang trabaho ang bagong transport hub na PITX. Abangan!

 

vuukle comment

BIYAHERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with