^

Punto Mo

Utol (79)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT Sir Gerald? Dito ka na titira?’’ tanong ni Gemo.

“Oo.”

“Bakit Sir?’’

“Para nalalaman ko kung narito na si Xander. Mahirap kasi kung nasa probinsiya ako. Nakakahiya naman kung lagi kitang inaabala.’’

“Okey lang Sir Gerald. Wala rin naman akong ginagawa.’’

“Gusto ko rin na may tinutuluyan dito, Gemo. Kung minsan, bigla-bigla akong lumuluwas e mabuti nang may tirahan dito.’’

“Ganun po ba? Sige Sir, mayroon akong alam na bahay. Maganda pero baka mahal ang renta.’’

“Kahit magkano, okey lang. Gusto ko kasi sa lugar na ito para madali kong nakikita kung dumating na si Xander.’’

“Sige Sir, pagkatapos na­ting kumain, puntahan natin ang bahay. Malapit lang dito yun.’’

“Sige. O umorder ka pa. Huwag kang mahiya.’’

“Tama na ang naorder ko Sir.’’

“Sige pagkagaling natin sa bahay na uupahan ko, kumain uli tayo rito.’’

“Sige Sir Gerald.’’

Matapos kumain, pinuntahan na nila ang bahay na uupahan. Malapit nga lang. Mga limang minuto lang lakarin.

“Ayan Sir ang bahay.’’

“Maganda ah. Type ko na ‘yan.’’

“Kausapin natin ang may-ari.’’

“Nasaan ang may-ari?’’

“Itong katabing bahay. Matanda na ang may-ari niyan. Mag-asawa na ang mga anak ay nasa Australia.”

“Sige kausapin na natin.’’

Tinungo nila ang kalapit na apartment. Nag-tao po si Gemo.

Isang matandang babae ang nakita nilang lumapit sa may gate.

“Nanay ako po si Gemo, taga-Sulucan, gusto pong magrenta ng bahay ng kaibigan ko.’’

“A sige pasok kayo rito.’’

Binuksan ng matanda ang gate.

“Good afternoon po,” bati ni Gerald.

“Good afternoon. Pasok kayo rito sa loob. Narito ang mister ko. Siya ang kakausapin mo.’’

“Salamat po.’’

Pumasok sila sa loob.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with