Perya ni Quiroz, untouchable sa Central Luzon!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - December 19, 2018 - 12:00am

MARAMI ang natuwa nang mailuklok si Chief Supt. Jigs Coronel bilang bagong hepe ng PRO3 o Central Luzon police. Nakabawi rin si Coronel, ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame. Noong hepe pa kasi ng Manila Police District si Coronel mga kosa, hindi niya sinasagot ang tawag ni dating PNP chief Bato dela Rosa at NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde, na mistah niya sa Philippine Military Academy (PMA). Ipinagyayabang pa ni Coronel na sina Bato at Oca ay hindi niya sinasagot, eh ang mga taga-media pa kaya? Kaya nang maupo si Albayalde na PNP chief, imbes na mabigyan ng puwesto, tulad ng PRO3 o CIDG, aba bilang deputy regional director for administration ang binagsakan ni Coronel. Araguuyyy! Subalit imbes na magtampo, nagtrabaho si Coronel at tulad ng inaasahan nahagip niya ang PRO3. Di ba nakakatuwa ang pag-upo ni Coronel sa PRO3 dahil nakuha n’ya ang pangarap, ‘di ba mga kosa? Kung napatahimik ni Coronel ang MPD noong panahon niya, walang makitang dahilan ang mga kosa ko sa Camp Crame na hindi n’ya magawa ito sa Central Luzon. Hak hak hak! Weder-weder lang talaga, ‘di ba mga kosa?

Kung sabagay, hindi naging madali ang pagkaupo ni Coronel sa PRO3 dahil me humahadlang sa kanya at alam ‘yan ni Dep. Dir. Gen. Jojo Mendez, ang No. 2 man ng PNP. Hak hak hak! Kaya lang nagtataka ang mga kosa ko sa Camp Crame kung bakit biglang nagbukasan ang mga peryahan sa Central Luzon matapos maupo si Coronel. Sa pagkaalam ko kasi mga kosa, ipinasara ni Int. Sec. Eduardo Año itong mga peryahan matapos ang expose ni kosang Erwin Tulfo sa social media. Sa unang sultada pa lang, nabulag na ng mga kausap n’ya si Coronel? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Para sa kaalaman ni Coronel, namumulaklak ang peryahan sa Central Luzon lalo na nitong Pasko. Sa Pampanga, ang puwesto ni Ricky Quiroz, na matagapuan sa Marquee Mall ang kay Poly naman ay sa tabi ng Kapitolyo mismo. Masabi nating puwesto-piho ang lugar ni Quiroz o ang ibig sabihin nito nandun lang ang peryahan n’ya kahit walang okasyon tulad ng fiesta. Kung ihambing sa pugita mga kosa, itong si Quiroz ang masabi nating ulo at ang iba pang peryahan ay mga galamay niya. Kaya walang nagnais na sulutin ang mga puwesto ni Quiroz dahil sa takot ng mga maliliit na financiers sa kanya. Araguuyyy! Hak hak hak! Si Gen. Coronel kaya la ring binisa kay Quiroz?

Sa Bulacan naman ang mga puwesto ay sa Pinaod sa San Ildenfonso na kay alyas Doming; sa Norzagaray kay Andy; sa Angat kay Jessica; sa 7/11 sa Meycauayan kay Thomas; sa San Francisco, sa Bulacan, Bulacan kay Lourdes; sa Guinguinto kay Lourdes din; sa Pulang Lupa sa Pandi kay Ruding; sa Pulilan, Tabon Mani kay Tomboy; sa Pulilan pa kay Freddie Cotcot; sa bagong Barrio sa Bustos kay Freddie din; sa San Miguel kay Myrna Yambot at anim pa sa San Miguel na hindi arok ng mga kosa ko ang may-ari. Hayan may giya na si Gen. Coronel kung paano n’ya malipol ang peryahan sa Central Luzon. Hehehe! Nagreport naman ang mga kosa ko sa PNP press corps na sumasagot na sa tawag itong si Gen. Coronel sa ngayon. Aba, magaling! Abangan!

CENTRAL LUZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with