EDITORYAL â Husay ng Pinay
EDITORYAL – Husay ng Pinay
(Pang-masa) - December 19, 2018 - 12:00am

HINDI lamang ang “lava walk’’ ni Catriona Gray ang nagpanalo sa kanya sa nakaraang Miss Universe pageant kundi ang ipinamalas niyang talino sa pagsagot sa mga tanong na tumatagos sa puso. Tumimo sa lahat ang huli niyang sagot ukol sa mga batang mahihirap sa Tondo, Maynila na nakasama niya bilang volunteer noon. Nakita umano niya sa mukha ng mga bata ang matinding hirap na dinaranas, nagugutom at salat sa maraming bagay. Isa sa mga adbokasiya niya ay makatulong sa mga mahihirap na bata, maysakit at mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Nakabibingi ang sigawan ng mga Pinoy sa Bangkok, Thailand kung saan ginanap ang pageant makaraang ihayag na si Catriona ang bagong Miss Universe. Nanaig ang ganda at talino ng Pinay sa 91 kandidata. Si Catriona ang ikaapat na Miss Universe ng bansa.

Sa simula pa lamang nagpakita na ng tiwala sa sarili si Catriona. Kitang-kita ito sa kanyang mga kilos. Positibung-positibo ang dating niya na isang palatandaan na maiuuwi niya ang korona. Nakatulong din sa pagiging confident ni Catriona ang suporta ng mga kababayan. Sa bawat pagtawag kay Catriona, nagsisigawan ang mga Pinoy supporters. Kitang-kita ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas at isa rin marahil iyon sa nagbigay ng lakas at tiwala kay Catriona para lalo pang maging mahusay sa mga tanong. Alam na alam niya ang mga maiinit na isyu kaya walang kaduda-duda na siya nga ang dapat koronahang Miss Universe. Napaghandaan niya ang ang larangang pinasok.

Hindi matatawaran ang kasiyahang idinulot ni Catriona sa mga kababayan noong Lunes makaraang manalo. Walang ipinagkaiba sa kasiyahang idinulot kapag nananalo si boxing idol Sen. Manny Pacquiao. Sandaling tumigil ang inog ng mundo sa mga Pinoy habang pinanonood ang pageant. Kapansin-pansin na walang trapik sa Metro Manila sapagkat karamihan ay nanonood. Wala ring naiulat na krimen.

Naabot na ni Catriona ang inaasam na korona na iniaalay niya sa bansa. Nagkaroon ng katuparan ang kanyang matagal na pangarap na ayon sa kanya, nagsimula pa noong siya ay 13-anyos. Walang hindi maaabot kapag may matibay na determinasyon.

Mabuhay ka Catriona! Salamat sa karangalang ibinigay mo sa bansa!

PINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with