^

Punto Mo

EDITORYAL - Delikado ang ‘Angkas’

Pang-masa
EDITORYAL - Delikado ang �Angkas�

TAMA lamang ang desisyon ng Supreme Court na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Angkas Riders. Dapat lamang huwag payagang makabiyahe ang mga ito. Dapat namang ipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag­huli sa mga Angkas na patuloy na lumalabag sa kautusan ng SC. Kapag may nangyari sa angkas nila, malaki ang magiging sagutin nila. Hindi nila dapat balewalain o suwayin ang utos. Malaki ang kinakaharap nilang parusa kapag may nangyari sa kanilang iniaangkas. Hindi nila puwedeng ikatwiran na kulang ang mga pampasaherong sasakyan kaya sila nagpapaangkas. Hindi rin katwiran na mas mabilis silang nakararating sa patutunguhan kahit trapik.

Napakaraming aksidente na ang sangkot ay mga nakamotorsiklo. Halos araw-araw ay may bumabanggang motorsiklo dahil sa kawalang ingat ng drayber. At kahit maingat, maaari rin silang mabangga dahil hindi naman sila nakikita nang mga driver ng truck lalo pa kung lumulusot sa kanan ang motorcycle riders. Maraming riders ang bigla na lamang lumulusot kaya karaniwan na lamang kung pumailalim sila sa truck at iba pang sasakyan.

Noong Linggo, nag-motorcade ang Angkas Riders sa EDSA bilang protesta sa TRO ng SC at ganundin sa malaking plaka na balak ilagay sa unahan ng motorsiklo. Nag-motorcade ang may 1,000 riders na karamihan ay nagsabing hindi makatarungan ang TRO at paglalagay nang malaking plaka. Ayon din sa kanila, marami ang mawawalan ng hanapbuhay dahil sa TRO.

Sundin ang batas. Ito ang tama. Dapat din namang matuto ang ilang pasahero na delikadong umangkas sa motorsiklo sapagkat takaw-aksidente ito. Huwag isapalaran ang buhay sa pag-angkas. Mayroon namang iba pang sasakyan para makarating sa paroroonan.

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with