^

Punto Mo

Magnanakaw, sinaklolohan ng mga pulis nang maipit sa pasingawan ng restaurant

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki na ayon sa mga awtoridad ay maaring nagtangkang manloob ng isang abandonadong Chinese restaurant sa California ang kinailangang i-rescue mula sa pasingawan (roof vent) ng gusali matapos siyang maipit doon ng dalawang araw.

Ayon sa Alameda County Sheriff’s Office ay rumes­ponde ang mga bumbero sa bakanteng building sa San Lorenzo, California nito lamang umaga ng nakaraang Miyerkules matapos may marinig na paghingi ng saklolo mula sa loob ng gusali.

Nang dumating daw ang mga nagresponde ay kaagad nilang narinig ang boses ng lalaki at natunton nila kaagad na nanggagaling ito sa roof vent sa tuktok ng restaurant, ayon kay Sgt. Ray Kelly ang office public information officer ng sheriff sa lugar.

Nabalutan daw ng grasa at mantika ang lalaki at hindi raw ito makagalaw mula sa pagkakaipit sa loob ng singawan, ayon sa post ni  Kelly sa official page ng sheriff’s office sa Facebook.

Nagtulung-tulong ang mga bumbero na maiahon  ang 29-anyos mula sa bakal na lagusan.

Nanghihina raw ang lalaki at dehydrated na nang siya’y masaklolohan kaya agad siyang isinugod sa hospital, dagdag pa ni Kelly.

Ayon sa sheriff’s office ay iimbestigahan pa rin nila ang lalaki para sa salang trespassing at vandalism samantalang ina­alam pa nila kung sinubukan nga ba ng suspect na pagnakawan ang restaurant.

vuukle comment

MAGNANAKAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with